Sinabi ni President Donald Trump na nakuha ng United States ang majority control sa mahigit 65 billion barrels ng Venezuelan oil reserves.In-announce niya ang deal noong August 28 at tinawag itong pinakamalaking oil deal sa history.
Kahit may balitang ganito, hindi bumagsak ang presyo ng Brent crude. Imbes, tumaas pa ito mula nasa $88 hanggang $90.48 pagdating ng Lunes—kahit pa may expectation na dapat tumaas ang supply.
Reserves pa lang ang Barrels, Hindi pa Supply
Sa agreement na ito, nagkaroon ng private venture ng 100-year lease sa 17 Venezuelan oil fields. May 55% stake dito ang US, ayon sa isang opisyal na nakausap ng Newsweek.
Sinabi ni Interim President Delcy Rodriguez na ang mga oil field na yan ay may proven potential na umabot ng 65 billion barrels. Sabi rin niya na puwedeng umabot ng higit $100 billion ang investment sa venture na ito.
Ipinangako ni Trump na bababa ang presyo ng gas dahil sa deal na ito. Image Source: Truth Social
Pero, wala pang dumadaloy na langis mula rito. Kung noon, mahigit 3 million barrels per day ang napo-produce ng Venezuela noong late 1990s, iba na ang sitwasyon ngayon.
Nasa halos 1 million barrels per day na lang ang output ngayon, base sa OPEC data.
Ayon sa Rystad Energy, baka tumaas lang ng 17% ang production pagsapit ng 2028. Kaso, mangyayari lang iyon kung mare-repair at muling mamanage nang maayos ang luma at sira-sirang oil infrastructure.
Ito naman ang take ni Patrick De Haan, head ng petroleum analysis sa GasBuddy, na sinare niya sa Newsweek.
“Kahit mukhang promising na bababa ang presyo ng gas, kailangang gumastos muna ng bilyon-bilyon bago makuha yung oil na yon.”
Bakit Tumataas pa rin ang Presyo?
Noong late August, bagsak ang Brent mula lampas $93 per barrel dahil medyo humupa ang takot sa Strait of Hormuz.
Lampas $90 ulit ang Brent Crude oil. Image Source: Trading Economics
Ayon sa Goldman Sachs, ang Gulf oil exports ngayon ay nasa 15 hanggang 16 million barrels per day—mga two-thirds lang ng volume bago nagsimula ang gulo. May revenue-sharing deal din sina Iran at Oman para sa waterway, pero sabi ng Iran, wala pa ring kasiguraduhan na magbubukas ulit ito.
Kaya nitong Linggo ng gabi, parang connected pa rin ang market rebound sa risk na yan—hindi sa Venezuela. Hindi pa totally tanggal ang “premium” na nagpapataas ng presyo ng oil nitong mga nagdaang buwan. Para sa traders, parang background noise lang yung Venezuelan barrels kumpara sa risk sa oil supply sa ibang bansa.
May dalawang bagay na magde-decide kung saan patutungo ang presyo ng Brent. Una, kung tuluy-tuloy na bababa pa ang Middle East risk premium. Pangalawa, kung talagang makakakuha ng investment ang oil venture ng Venezuela na inaasahan ni Rodriguez.

