Gusto ng Winklevoss Mag-launch ng Zcash ETF na 10x Mas Mura Kaysa Kay Grayscale

abstrak:Nabawasan ng halos $220 million ang assets ng Zcash ETF ng Grayscale habang nag-launch si Winklevoss ng rival fund na one-tenth lang ang fee.

Nawalan ng $218 million ang Grayscale Zcash ETF sa assets nito sa loob lang ng halos dalawang linggo. Noong October 6, nag-file ang Winklevoss Asset Services para mag-launch ng kalaban na fund na 0.25% lang ang yearly fee—isang-daan lang ng fee ng Grayscale.

Ang Zcash (ZEC) ay isang cryptocurrency na pwedeng itago ng users kung sino ang nagpadala ng bayad at magkano ang halaga. Sa ngayon, ang ZCSH lang ng Grayscale ang ETF na may hawak nito.

Paano Nawala ng Grayscale Zcash ETF ang $200 Million

Noong September 24, hawak ng ZCSH ang $1 billion. Pagsapit ng October 5, bumaba na ito sa $781.96 million. Mga withdrawals ang nagpapaliwanag sa nasa $97 million na pagbaba.

Bumaba rin ang cumulative net inflows mula $306.12 million papuntang $209 million sa parehong yungto. Ang natirang drop ay dahil sa pagbaba ng presyo ng ZEC.

Grayscale Zcash ETF Flows. Source: SoSoValue

Kinuha ng mga investors ang pera nila sa apat sa huling limang sessions ng fund. Mula September 30 hanggang October 2, nasa $27 million hanggang $30 million ang outflows bawat araw.

Napabalita na rin ng BeInCrypto noong nakaraang linggo na nag-post ang fund ng unang weekly outflow simula noong launch na umabot sa $93.6 million. Sa ngayon, ang presyo ng ZEC ay nasa $1,342, tumaas ng 4.8% sa loob ng 24 oras.

Ano ang Plano ng 10x Mas Murang Winklevoss Zcash ETF

Kung meron kang $10,000 na hawak, $25 lang ang magiging yearly fee sa Winklevoss fund. Kay ZCSH, $250 iyon. Sa preliminary filing, nakalagay na sa Nasdaq ililist at WINK ang ticker.

Winklevoss just filed for a Zcash ETF exactly 13yrs after dropping the first-ever filing for spot bitcoin ETF. Welcome back @tyler @cameron pic.twitter.com/6UFpTqt1Um

— Eric Balchunas (@EricBalchunas) October 6, 2026

Gemini Trust, ang crypto custodian na sinimulan nina Cameron at Tyler Winklevoss, ang bahalang humawak ng ZEC ng fund. Nasa filing na affiliate ng sponsor ang Gemini at tinuturing na conflict of interest ang relasyon na yan.

Nagsignal na rin ang Winklevoss Capital Fund na baka bumili sila ng shares hanggang $100 million. Pero sa filing, nilinaw na di ito binding.

Kakagawa pa lang ng sponsor nitong October 1. Ayon sa dokumento, wala pa silang dating experience sa pagpapatakbo ng pooled investment fund.

Hindi pa pwedeng mag-trade ang WINK hanggat hindi inaprubahan ng SEC ang registration. Kailangan ding aprubahan ng Nasdaq ang listing, at sa filing, wala pang nakalagay na price benchmark, seed amount, at trading partners.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Alin sa XRP, Monero, at Solana ang Pinaka-Bullish Chart? Peter Brandt Nagkumpara

Susunod

Gold at Silver, Nasunugan ng $400 Billion sa Ilang Minuto—Ano Talaga Nangyari?