Alin sa XRP, Monero, at Solana ang Pinaka-Bullish Chart? Peter Brandt Nagkumpara

abstrak:Kinompare ni Peter Brandt ang XRP, XMR, at SOL gamit ang weekly charts, focus lang sa classical price patterns at measured moves, hindi fundamentals.

Kamakailan, nag-share si veteran trader Peter Brandt ng weekly chart comparison para sa XRP, Monero, at Solana. Pinag-aralan niya ang bawat coin base lang sa classic na price patterns at measured moves — walang halong fundamentals o balita.

Base sa naging analysis niya, mukhang talo ang XRP kumpara sa Monero at Solana. Dito makikita kung bakit mahalaga ang structure ng chart para malaman kung solid o mahina talaga ang setup ng isang coin.

$XRP

Excuse the rant I am about to unleash

I believe in a concept called “measured moves”

Targets or objectives are not sacred

Charts often fail to deliver what we first identify and morph into something else

I have identified a C&H in XRP

On a larger time frame this C&H might… pic.twitter.com/o695MCEXHB

— The Factor Report (@PeterLBrandt) October 6, 2026

Paano Tinignan ni Brandt ang Chart ng XRP Kumpara sa Iba

Yung chart comparison ni Brandt, price action lang talaga ang basehan gamit ang weekly chart ng tatlong coin. Hindi niya pinapansin yung mga fundamentals — puro classic na patterns at measured moves lang ang tinitignan. Simple lang yung main message niya: nagbabago ang itsura ng charts, hindi garantiya ang mga price target, at magkakaiba talaga ang lakas ng bawat asset kahit nasa iisang market lang.

Sa XRP, napansin ni Brandt na may cup-and-handle formation. Ang pattern na to, usually, base na pa-ikot tapos may konting pullback — kadalasan, nireread ito ng mga trader na bullish at parang tuloy-tuloy ang momentum paakyat.

Sa mas mahaba-habang timeframe, puwedeng ang formation na ‘to ang magbuo ng right shoulder ng mas malaking inverted head-and-shoulders pattern. Kung susukatin ang move base sa daily close gamit tong inverted head-and-shoulders, ang pwedeng maging target ay nasa $2.16. Pero agad din nilinaw ni Brandt na hindi solid yung price target na ’yun kasi hindi masyado buo at parang bitin yung kanan na shoulder.

I-follow kami sa X para hindi ka ma-late sa mga latest na crypto news.

Galaw ng presyo ng XRP. Source: X/@PeterLBrandt

Problema rin ngayon ng XRP yung matinding selling pressure sa taas — maraming naipit na trader at dati nang nagbenta sa mga level na ‘yan, kaya hirap makalagpas. Tinawag ito ni Brandt na technical negative, kasi parang sabit lang ang presyo at kailangan munang i-absorb ng market yung mga seller bago makalipad talaga. Kaya, hindi pa sigurado na abot $2.16 agad at conditional lang talaga yung price target na yan hangga’t ‘di nalilinis yung area na ’yon.

Bakit Mas Gusto ni Brandt ang Monero at Solana Kesa XRP?

Mas maganda daw ang setup ng Monero. Naka-move on na yung XMR sa dating heavy selling sa taas, so parang ‘clear sailing’ na ang galaw nito at hindi na masyadong mabigat ang resistance sa mga susunod na level.

Sa weekly chart ng XMR, sunod-sunod ang pagtaas ng highs at walang masyadong sagabal — naging malinis yung trend pagkatapos ng consolidation dati. Kaya sabi niya, si Monero talaga ang pinaka-bet niya. Sinabi din niya na di na niya kailangan ng extra story o narrative para ma-convince sa XMR.

Galaw ng presyo ng Monero (XMR). Source: X/@PeterLBrandt

Kahit Solana, napansin din niyang mas promising. May cup-and-handle pattern din sa SOL pero mas malaki at kita sa weekly chart — tapos, merong solid na resistance sa taas na mukhang puwedeng malagpasan kapag nabasag.

Ibig sabihin, posibleng mas maganda ang tuloy-tuloy na galaw kapag um-okay na sa resistance level na yan. Meron pa ring kaunting resistance pero mas malinis, klaro, at confident ang structure ng chart kumpara sa XRP.

Mag-subscribe sa YouTube channel namin para updated ka sa insights ng mga crypto experts at journalists.

Galaw ng presyo ng Solana (SOL). Source: X/@PeterLBrandt

Pinasadahan din ni Brandt ang chart ng Ethereum at Stellar. Yung ETH, marami ring congestion pero wala yung sobrang daming seller na naipit na gaya ng sa XRP, habang sa XLM, mas konti ang resistance.

Sa buong analysis, pinapakita ni Brandt na pure price action ang basehan niya — kumbaga, chart lang talaga ang tinitignan niya at hindi yung kung anong kwento o narrative. Sabi pa niya sa mga XRP holders, ‘wag masyadong personalin kung hindi maganda yung chart — kasi puwedeng magbago palagi ang patterns at ’di rin sure ang measured moves.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Sabi ni Dan Ives, Pinasasabog ng Nvidia ang AI Market—Pero Paano Kung Magka-Lehman Moment Din?