Tinarget ng OFAC ang Crypto-Funded na Singil ng Iran sa Strait of Hormuz

abstrak:The US Treasury's Office of Foreign Assets Control sanctioned two companies linked to Iran's Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) for operating a maritime insurance scheme that charges commercial vessels transit fees in the Strait of Hormuz. Persian Gulf Marine Insurance Company and HormuzSafe Marine Services Authority were targeted under Executive Order 13902 for their role in generating revenue for Iran, which the Treasury said is desperate for cash amid triple-digit inflation. The scheme, developed by Iran's Ministry of Economy, offers insurance, traffic control, and emergency services, and accepts Bitcoin and other digital assets to bypass Western sanctions. Additionally, the Treasury sanctioned eight shipping companies and identified eight oil tankers as blocked property, part of a broader crackdown on Iran's shadow fleet that has seen over 100 vessels sanctioned since January.

Pinatawan ng sanction ng US Treasury‘s Office of Foreign Assets Control (OFAC) ang dalawang kompanya na dawit sa umano’y operasyon ng IRGC kung saan pinapabayad nila ang mga commercial vessels na dumadaan sa Strait of Hormuz ng maritime insurance.

Natamaan ng sanction nitong Miyerkules ang Persian Gulf Marine Insurance Company at HormuzSafe Marine Services Authority, na mas kilala bilang Hormuz Safe. Sabi ng Treasury, ginagamit yung mga insurance policy nito para kumita habang sinasapawan pa nila ang mga risk na ginagawan mismo ng Iran.

I-follow kami sa X para laging updated sa crypto news!

Paano Nauwi sa US Sanctions ang Insurance Scheme ng Iran sa Hormuz

Nagsimulang mangolekta ng transit fees ang IRGC mula sa mga tanker na dumadaan sa Strait of Hormuz noong April, kung saan umaabot sa nasa $1 kada barrel ang singil.

Ayon sa Treasury, ginawa ang insurance scheme na ito para matakpan ang nawawalang kita ng Iran matapos ang Operation Epic Fury. Ikinonekta ni Treasury Secretary Scott Bessent ang operasyon na ito sa lumalalang kalagayan ng ekonomiya sa Iran.

“Bagsak na yung ekonomiya nila at triple digit na ang inflation, kaya desperado na yung gobyerno para sa cash,” sabi niya.

Ayon pa sa Treasury, pinatayo ng Iran ang mga “illegal na scheme” na ito gamit ang Persian Gulf Marine Insurance Company (PGMIC) at HormuzSafe Marine Services Authority.

Sabi nila, yung Irans Ministry of Economy ang nag-develop ng HormuzSafe. Nag-aalok ito ng insurance, traffic control, seguridad, at emergency response para sa mga barkong dumadaan sa strait.

Tumatanggap rin ang kompanyang ito ng bayad gamit ang Bitcoin (BTC) at iba pang digital assets bilang paraan ng Iran para iwasan ang mga Western sanction.

Sinabi din ng Treasury na ang insurance regulator ng Iran ang gumawa ng Persian Gulf Marine Insurance Company, na nag-i-issue ng mga policy na approved ng Persian Gulf Strait Authority.

Nauna nang sinanction ng OFAC ang IRGC-backed na authority noong May 27. Ngayon, dalawang firm na — yung Persian Gulf Marine Insurance Company at HormuzSafe Marine Services Authority — ang napatawan ng sanction sa ilalim ng Executive Order 13902 dahil aktibo sila sa finance sector ng Iran.

Idinagdag pa ng OFAC na walo pang shipping companies ang sinanction at walong oil tanker ang tinukoy na blocked property. Registered sa Hong Kong, Marshall Islands, at China yung mga operators na ‘to. Sabi ng Treasury, itong mga vessel na ’to ang nagdadala ng Iranian crude oil at petroleum products.

Mahigit 100 shadow fleet vessels na ang nasanction ng agency simula January. Bahagi lang ito ng mas malaking malawakang crackdown ng US laban sa Iran.

Noong kalagitnaan ng Hulyo, sinanction ng Treasury ang apat na crypto wallet na konektado sa central bank ng Iran. Sabay din nitong na-freeze ng Tether ang nasa $131 million na USDT sa mga wallet na yun.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Mas Malala na ang Bagsak ng Stock Market sa South Korea Kaysa Noong 1997 at 2008

Susunod

Sabi ng Veteran Macro Investor: Wala Nang Madaling Kita sa AI, Bitcoin na ang Susunod