Tumutulong ang Deutsche Telekom at SphereNet sa Pagbuo ng Payment System para sa AI Agents

abstrak:AI agents are increasingly able to book flights, renew software, and buy computing power—and soon they may pay automatically without human approval. Coinbase‘s x402 protocol has already processed 109.6 million transactions and $15 million in adjusted volume since May 2025. This raises questions about control, spending limits, and whether recipients are legally allowed to accept payment, especially since blockchain settlements are instant and irreversible. Sphere Labs’ SphereNet aims to embed identity checks, sanctions screening, and jurisdiction rules into each transaction flow. Deutsche Telekom has joined as a validator partner, supporting the network from testnet through a planned 2027 mainnet launch. Google, Visa, and Mastercard are also building systems to help merchants verify approved AI agents. Sphere CEO Arnold Lee says the real issue is trust.

Pabayaan mo na ba na isang AI na ang gagastos ng pera mo? Malapit na to sa reality. Ngayon, kaya nang mag-book ng AI agent ng flight, mag-renew ng software, o bumili ng computing power para sa negosyo. Yung next na mangyayari? Automatic na ring magbabayad yung AI agent nang hindi na kailangan ng tao.

Nagsisimula na ‘tong shift na ’to. Yung x402 protocol ng Coinbase ay nakaproseso na ng 109.6 million na transactions at nasa $15 million na adjusted volume simula May 2025.

Karaniwan mga maliliit na bayad lang ‘to, pero kung titingnan mo sa mas malaking scale, may mas malaking problema itong pwedeng idulot. Kailangan siguraduhin kung sino ba talaga ang may control sa agent na ’yon, hanggang magkano lang pwede niyang gastusin, at kung allowed ba talaga ng batas na tumanggap ng bayad yung makakatanggap ng pera.

Mas nagiging mahirap pa ito kapag stablecoins at iba pang blockchain payments ay settled na kaagad in just seconds, na kadalasan hindi na reversible.

Sphere Labs naman ang gumagawa ng SphereNet para hawakan yung ganitong process. Noong August 3, in-announce ng company na Deutsche Telekom ang mag-ooperate ng validator mula sa kasalukuyang testnet hanggang sa nakatakda nilang mainnet launch sa 2027.

Deutsche Telekom, one of the world's leading telecommunications companies, has joined the @Sphere ecosystem as a validator partner.@mms_Blockchain will run a node that helps secure our compliance-native ledger for regulated global finance from testnet through mainnet.… pic.twitter.com/XJIKVA3p3r

— Sphere Labs (@sphere_labs) August 3, 2026

Iche-check ang Rules Bago Umusad ang Pera

Sa tradisyonal na mga financial institution, pwede pa nilang repasuhin ang mga kahina-hinalang transaction pagkatapos ng settlement. Pwede nilang i-freeze ang account, baliktarin ang transfer, o subukang bawiin yung pondo.

Hindi ganun kadali kapag blockchain na kasi instant ang settlement dito. Layunin ng SphereNet na ilagay mismo sa daloy ng bawat transaction yung identity check, sanctions screening, at mga rule ng ibat-ibang jurisdiction. Saka lang matutuloy at masesettle fully ang bayad kung pasado sa lahat ng requirements.

Kunwari, bibili ng AI agent ng cloud storage para sa isang kumpanya. Dapat ma-identify ni SphereNet kung aling kumpanya ang nasa likod ng agent, kung may permission ba siyang gumastos, i-screen yung business na tatanggap ng bayad, at i-apply yung rules ng parehong bansa o lugar. Pwedeng ma-settle na yung transfer nang hindi na kailangan ng manual review.

Yung Google, Visa, at Mastercard, gumagawa ng mga system na tutulong sa mga merchant para makilala yung approved na AI agent at mapatunayan kung ano lang ang authorized gawin para sa users. Base layer naman sa ilalim ng mga system na yun ang pinoprovide ng SphereNet para regulated ang mismong settlement.

“Karamihan sa debate sa agentic payments, puro AI ang usapan,” sabi ni Sphere Labs CEO Arnold Lee. “Pero ang totoong issue dito, tiwala talaga.”

Agentic payments need trusted infrastructure. ????

We are teaming up with @sphere_labs to support SphereNet, bringing enterprise-grade infrastructure to help secure its compliance-native ledger from testnet through its planned 2027 mainnet launch.

More here:…

— Telekom Web3 Infrastructure & Solutions (@mms_Blockchain) August 3, 2026

Enterprise Validator Experience ng Deutsche Telekom

Ang validator ang nagpapatakbo ng infrastructure na nagche-check ng mga transactions at tumutulong na maging iisa ang financial record ng network. Sa SphereNet, ibig sabihin nito ay siguraduhing lahat ng transaction ay sumusunod sa network rules bago sila maging final.

Sanay na ang Deutsche Telekom MMS sa pag-operate ng mga validator sa ibat ibang established na blockchain network. Pero dito sa SphereNet, mas specialized ang role nila — para sa ledger na talaga namang bagay para sa mga bangko, payments company at iba pang regulated na institution.

Malaki rin ang scale ng operations ng telco. Nasa 273 million na mobile customers na hawak ng Deutsche Telekom at naka-base na sila sa mahigit 50 na bansa by end of 2025. Yung mga network nila eh konektado na ang mga tao, negosyo, at mga devices sa ibat ibang financial system.

Meron ng existing payments business na sumusuporta sa SphereNet. Sabi ng Sphere Labs, ang SpherePay ay nagpoproseso ng bilyon-bilyong dolyar na cross-border transactions kada taon para sa higit 200 na business at institution.

Pinalalawak pa ng SphereNet ang compliance model na to sa mas malawak na network na hinahawakan ng mga external validator.

Pero ang totoong test magsisimula kapag naglaunch na ang mainnet. Kailangan mag-partner ng SphereNet sa mga licensed na institutions, reliable na performance, at solid support sa ibat ibang jurisdictions para sulit at magamit talaga ang network.

Magiging malaking tulong ang Deutsche Telekom bilang experienced infrastructure partner habang nilalakad ito ng SphereNet—pati na rin sa panahon kung saan baka yung next na magbabayad sa network, AI agent o machine na pala.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Pinalalawak ng Tether ang negosyo ng tokenization sa Saudi Arabia, simula sa real estate

Susunod

Sumiklab ang tunggalian sa kapangyarihan sa ONDO Finance matapos ang pagkamatay ng tagapagtatag