Nawalan ng nasa $3.8 milyon ang NEAR Intents, isang cross-chain swap service na gamit ang NEAR Protocol (NEAR), dahil sa isang exploit nitong Huwebes. Bumagsak ng 8.6% ang presyo ng NEAR token ilang oras matapos ang nangyari, pero hindi naging target mismo ang pinaka-blockchain nito.
Naganap ang hack dalawang araw matapos mag-launch ang Bitwise ng unang spot NEAR exchange-traded fund (ETF) sa US. Isa sa mga dahilan kung bakit in-offer ng Bitwise ang fund na yan ay dahil sa NEAR Intents, na ayon sa kanila ay nakapagproseso na ng mahigit $32 bilyon na swaps.
Paano Nangyari ang Hack sa NEAR Intents?
Sa NEAR Intents, puwedeng makipag-swap ang users ng token sa isang blockchain para makakuha ng token sa ibang chain. Sinasabi ng user kung anong trade ang gusto nila at nagkokompitensya ang mga market maker para punan yon.
Ayon sa team, isang bug ang dahilan kung bakit nawala ang pondo. Ang problema ay nangyari sa interplay ng Omni deposit at withdrawal system nila sa smart contract ng NEAR Intents—ito yung automatic na code na nagre-record ng bawat swap.
Earlier today NEAR Intents services were stopped after a security incident was detected. The incident was caused by a bug in the Omni deposit and withdrawal infrastructure interaction with NEAR Intents smart contract.
The preliminary report indicates the total loss of…
— NEAR Intents (@near_intents) October 1, 2026
I-flag ni ZachXBT, isang on-chain investigator, ang atake na ‘to. Sabi niya, yung hot wallet nila sa BNB Chain (ito ’yung online wallet na ginagamit para magbayad ng withdrawals) ay nagkaroon ng maraming kakaibang outflow bago tuluyang mahinto ang processing ng transactions.
Ayon pa kay ZachXBT, idineretso ng mga hacker ang nakaw na pondo sa crypto exchange KuCoin at agad nila itong kinonvert sa Bitcoin (BTC).

Si ZachXBT ang nag-flag ng hindi normal na BSC hot wallet outflows na may kaugnayan sa exploit na ito.
Sinabi ng NEAR Intents na naayos na nila ang bug sa smart contract at ire-refund nila nang buo ang mga naapektuhang users. Nai-report na rin nila ang insidente sa mga otoridad.
Safe pa ba ang NEAR Protocol matapos ang $3.8 Million na Hack?
Pause pa rin ang deposits at withdrawals sa loob ng nasa 12 oras pa para sa 11 networks gaya ng BNB Chain, Polygon, TON, Optimism, Avalanche, Stellar, Monad, X Layer, ADI, Scroll, at Plasma.
Walang nareport na loss mismo mula sa NEAR blockchain ayon sa opisyal na pahayag at sa alert ni ZachXBT. Pareho nilang tinuturo na yung bridge ng swap service at BNB Chain wallet ang nadale.
Ayon sa NEAR Intents team, puwede na ulit mag-swap ng assets yung mga holder mula sa mga na-pause na chains pagbalik ng core service.
Samantala, nagte-trade ang NEAR sa $4.92 ngayon na may market cap na nasa $6.4 bilyon. Tumaas ng halos 175% ang token noong September bago ang launch ng Bitwise NEAR ETF.

NEAR Price Performance. Source: BeInCrypto
Pangatlong malaking exploit na ito ngayong taon para sa NEAR ecosystem, kasunod ng pagkawala ng $7.6 milyon ng Rhea Finance nitong April. Nangako ang NEAR Intents team na maglalabas sila ng buo at teknikal na report sa mga susunod na araw.

