Lahat ng Token na Dinelist ng Binance nitong Lunes, May Warning na Dati

abstrak:Binance will delist Across Protocol (ACX), Hashflow (HFT), PIVX, Vulcan Forged PYR, Vanar (VANRY), and Viction (VIC) on August 17, citing failure to meet listing standards after regular reviews. Prices fell sharply following Monday‘s announcement, with PIVX dropping 19.27% and PYR down 18.31%; Hashflow hit an all-time low of $0.007, while ACX slipped 5.22%. VANRY rose 8.23%, but Binance will not support Vanar’s contract swap, requiring holders to migrate through the project portal. Futures contracts settle August 7, deposits stop August 18, and withdrawals end October 17. All six tokens had previously received Monitoring Tags, with ACX tagged just ten days before delisting. Traders are now watching LSK and STX, which received similar tags in July.

Magtatanggal ang Binance ng Across Protocol (ACX), Hashflow (HFT), PIVX, Vulcan Forged PYR (PYR), Vanar (VANRY), at Viction (VIC) sa August 17.

Sinabi ng exchange na base sa madalas na review nila, hindi na pumapasa ang mga token na ito sa standards nila para manatili sa listahan. Bumagsak agad ang presyo ng mga coin ilang oras lang matapos i-announce noong Lunes, pero may ilan ding medyo nakabawi ng konti pagkatapos.

Pinakamalaki ang Bagsak ng PIVX at PYR Matapos I-announce ang Delisting ng Binance

Pinakamalalim na bagsak ang nangyari sa PIVX, kung saan bumaba ito ng 19.27%. Kasunod agad nito ang PYR na negative 18.31% din. Nang bumandera ang announcement, umabot sa all-time low na $0.007 ang Hashflow. Umikot naman sa negative 11.47% ang presyo ng HFT.

Halos pareho rin ang bagsak ng VIC na negative 11.24%. Mas konti ang nabawas sa ACX kumpara sa iba, negative 5.22% lang. Si VANRY lang ang tumaas — lumipad ng 8.23% kahit may nauna itong pagkalugi.

Pero may catch dito: Hindi susuportahan ng Binance ang contract swap plan ng Vanar. Kailangan mag-migrate ng mga holder gamit ang portal mismo ng project.

I-follow kami sa X para updated ka sa mga news habang nangyayari

Mga price chart ng ACX, HFT, PIVX, PYR, VANRY, at VIC matapos ang announcement ng delisting ng Binance. Source: TradingView

Hindi na nakakagulat ang mga pagbagsak na to. Sa mga naunang delisting, lagi namang bagsak ang presyo ng mga tinatanggal na token. Kapag nawala sa pinakamalaking exchange ayon sa volume, nababawasan talaga ang liquidity at kadalasang nagse-sell ang mga holders bago tuluyang matanggal ang trading.

Samantala, i-se-settle ng Binance Futures lahat ng kontrata para sa mga token na ito sa August 7. Hindi na papasok ang anumang deposit simula August 18, at ang withdrawals magka-cut-off na sa October 17.

Bago Itanggal, Nagkaroon Muna ng Monitoring Tag ang Bawat Token

Pinaliwanag ng Binance na kinokonsider nila ang factors gaya ng commitment ng team, activity sa development, trading volume, at network security tuwing magre-review sila. Kasama din sa tinitingnan ang mga pagbabago sa regulations at tokenomics.

“Kung ang token o coin ay hindi na pumapasa sa standards na ito o nagbabago ang overall na crypto landscape, mas malalim naming pinag-aaralan ito at possible naming tanggalin,” dagdag ng exchange.

Paulit-ulit na ganito ang pattern — binibigyan muna ng Monitoring Tag ang lahat ng 6 token bago sila tuluyang idelista.

Natanggap ng VIC ang label noong April 30, sumunod ang HFT noong May 22, at si PIVX noong June 18. Sumiksik sa July 3 sina PYR at VANRY. Yung ACX, kaka-10 araw pa lang na may tag simula July 24 — siya yung pinakamabilis ang turnaround sa batch na to.

Dahil dito, maraming traders ang nakatutok ngayon sa iba pang coin gaya ng Lisk (LSK) at Stacks (STX). Pareho silang nabigyan ng Monitoring Tag kasabay ng ACX nitong July.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Kumalat ang pag-atake ng cold-wallet ng Bitcoin sa 4,500 na address habang NEAR sa $89 milyon ang pagkalugi

Susunod

BP Ibebenta ang North Sea Oil Business Habang UK PM Mukhang Magpapatuloy ng Bagong Drilling