Gumawa si Vitalik Buterin ng ‘Paranoid Mode’ sa Ethereum Para Itago ang Mga AI Secret Mo

abstrak:Ang "paranoid mode" ng AI ni Vitalik Buterin nagma-mask ng prompts gamit ang Tor, zkAPI, at local rewrite, pero admit niya na bumabagal ang new chats at may mga butas pa rin.

Ang AI assistant na ginagamit para mag-manage ng investments mo, pwedeng makita o malaman ng company na may-ari ng AI model yung mga hawak mong crypto, trading strategy, at mga tanong mo tungkol sa pera. May ginawa si Ethereum co-founder Vitalik Buterin para hindi madali sundan ang bakas mo online.

Noong October 16, ipinakilala ni Buterin ang isang “paranoid mode”para sa kanyang AI agent. Ang goal nito, gawing mahirap malaman kung sino ang gumagamit, saan galing ang mga request, at papaano binabayaran. Public na ang code nito, pero experimental pa ang buong setup na to.

Bakit Nakakabahala Para sa Privacy ng Finance ang Mga AI Agents?

Habang may access na ang mga AI agent sa mga wallet at finance tools, pwede nilang ma-share ang sensitive info tungkol sa pera mo. Kung gamit mo ang trading assistant, pwedeng malaman ibang tao kung anong tokens ang tinitignan mo o detalye ng portfolio mo.

Kahit anonymous ka, pwede ka pa rin matukoy gamit ang payment records, IP address, o paulit-ulit na details sa mga prompt mo.

Sinagot ni Buterin ang mga privacy risks na to gamit ang apat na steps.

Ginagamit ng Tor ang hiwa-hiwalay na ruta para matago ang IP address ng user tuwing mag-chat. May fake requests na sumasabay sa totoo para mas magulo ang traffic. Gumagamit ng maliit na AI model sa computer ng user para mag-edit ng prompt at lumiit ang chance na ma-recognize ka.

At ang zkAPI gumagamit ng cryptographic proofs para mapakita na bayad ang request, pero hindi na kailangan malaman kung sino ang nagbayad.

Ready na rin ang payment system nito na gumagana sa Ethereum mainnet, kaya pwede na magdeposit gamit ang ETH at USDC. Nilagyan din ni Buterin ng software sandbox yung AI agent para hindi ito makalampas sa computer niya.

Ano Ibig Sabihin Nito Para sa Mga Investor?

Sabi ni Buterin, “nagiging pwede na talagang gamitin yung system,”pero medyo mas mabagal lang magsimula yung bawat bagong usapan.

Hindi pa rin totally anonymous. Nakikita pa rin ng providers yung na-edit na prompts na pwede pa rin maglaman ng madali kang makilala.

Kinilala din niya ang isa pang butas: kung may sumama ang AI provider at Tor relay, pwede nilang pag-aralan yung oras ng traffic para tukuyin kung alin ang totoong request. Mas gusto daw niya ng mas specialized na privacy network kahit medyo mas mahal ang data.

Para sa mga investor, ang tanong sa long term: magiging mura at mabilis na kaya ang private AI payments para talagang magamit sa trading tools at iba pang finance services?

Sabi ni Buterin, malapit na bumaba ang transaction fees ng zkAPI. Pinapakita ng prototype na pwede talagang gamitin ang Ethereum infrastructure dito, pero wala pang matibay na ebidensya na gagamitin siya ng maraming tao o may impact agad ito sa presyo ng ETH.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

3 Altcoin na Pwede Umabot sa All-Time High ngayong Weekend

Susunod

Pwede Bang Bumulusok sa $10,000 ang Presyo ng Bitcoin? May Matinding Babala ang Bloomberg Analyst