Talo na ba si Grok sa AI Race? Sabi ni Elon Musk, Mas Ok ang Claude “For Now”
Sinabi ni Elon Musk na sobrang ganda ng Anthropics Claude Opus 5.5 — tinawag pa niya itong masterpiece kahit kalaban ito ng sariling AI company niya. Inamin din niya na malamang hindi muna kayang tapatan ng nilulutong Grok 4.8 ng xAI ang performance ng Opus 5.5. Pero, kumpiyansa pa rin si Musk na baka ma-overtake ng Grok 5 ang Claude Opus 5.5 ng Anthropic sa loob lang ng ilang buwan. Pinag-uusapan ni Elon Musk ang Claude AI Ngayong linggo, sumagot si Musk sa isang user sa X na nagtanong kung paano kapag kinompara ang Grok 4.8. “Opus 5.5 is a masterpiece,” ayon kay Musk sa post niya sa X at dinugtungan pa niya na “hindi pa kasing ganda” ng Grok 4.8. Nag-launch ang Anthropic ng Opus 5.5 noong September 22. Sabi ng kompanya, halos ka-level lang ito ng mas high-end na Fable 5.1 pagdating sa karamihan ng tasks. Ang nakakatuwa pa, 40% mas mura gamitin ang Opus 5.5 kumpara sa dating Opus model kapag normal na workloads lang. Sa Terminal-Bench 4.0, nireport ng Anthropic ang 65.76% na score. Kung ikukumpara, ang GPT-6 Astra ng OpenAI naka-57.9% score lang sa parehong test. Pero so far, wala pang inilalabas na benchmarks o test results si Musk para sa Grok 4.8.









