Tuloy Pa Rin ang Pagtaas ng Presyo ng Langis Kahit Siksik ang Supply—Ito ang Sabi ng JPMorgan
Marami pa rin talagang oil sa mundo. Pero kahit ganun, tuloy pa rin ang pagtaas ng presyo, at ayon sa JPMorgan, sa dagat na raw ngayon ang problema. Kakaunti na lang kasi ang available na mga oil tanker na kayang mag-deliver ng crude oil saan mang parte ng mundo. Sa note na inilabas noong October 9, sinabi ng bangko na nagkakaroon ng bottleneck sa shipping kaya tumataas ang transport cost—kahit pa nagdadagdag ng export ang mga producer sa Middle East. Umabot na sa 12 million barrels kada araw ang oil shipments na dumadaan sa Strait of Hormuz noong September, mataas kumpara sa 7.5 million noong July at August. Pero nananatili pa rin na mataas ang presyo. Remember when JP Morgan came out 2 weeks ago claiming Hormuz flows were near pre-war highs? Well, they have a new oil report and its not looking good. “October is beginning to look like April”. Why? The cost of shipping crude is skyrocketing and its not changing soon. pic.twitter.com/oDXEkF4Qt3 — Nic (@puckrin) October 11, 2026 Nauubusan na ng Capacity ang Oil Tankers ng Buong Mundo Ayon sa JPMorgan, 766 out of 923 na supertankers sa buong mundo ay gamit na raw noong September pa. May 124 pang oil ships ng Iran ang halos









