Bumagsak ang presyo ng Bitcoin at lumusot ito sa ilalim ng $77,000 ngayon habang halos lahat ng crypto market ay nakakakita ng matinding selloff. Pero merong tatlong altcoins na lumalaban pa rin, at base sa technical charts, pwede pa silang makabawi.
Hyperliquid (HYPE), Pepe (PEPE), at Stacks (STX) nagpakatatag sa mga importanteng level sa presyo nila nitong mga nakaraang araw. Kung magtatagumpay ang mga buyers na protektahan ang support, o tuluyan nilang ma-break ang resistance, dito magdedepende kung saan tutungo ang galaw ng presyo nila.
| Altcoin | Presyo ngayon* | Outlook | Bakit bantayan? |
| HYPE | $84.40 | Neutral | Tine-test ang major support |
| PEPE | $0.00000485 | Bullish | Retesting ang recent breakout |
| STX | $0.3282 | Neutral | Unti-unting nakaka-recover mula sa matinding selloff |
1. Hyperliquid (HYPE): Kaya Bang Depensahan ng Buyers ang $85?
Patuloy na umaakyat ang HYPE simula pa ng May kahit mahina ang takbo ng ibang crypto sa market.
Dahil sa latest correction, bumaba ang presyo nito malapit sa $85.19, na isang importanteng Fibonacci support level at sumasakto din sa gitna ng pataas na trading channel.
Kaso, bahagya nang bumaba ngayon si HYPE sa ilalim ng support na yan. Dati, nagpakita ng RSI na 55 kaya may kaunting positibong momentum pa rin, pero dahil mahina ang trading volume, tila kulang pa sa kumpiyansa ang mga buyers.
Depende pa kung mababawi ulit ang $85, dito natin makikita ang susunod na galaw.
- Bullish: Kapag nabawi ang $85.19, pwede umakyat pa up to $97.99 na record high.
- Bearish: Kung lalong humina, pwede bumagsak ang HYPE malapit sa $75.14.

HYPE daily chart. Source: TradingView2. Pepe (PEPE): Tatagal Ba ang Breakout?
Simula pa nung August, sunod-sunod ang higher highs ni PEPE at ngayongna-break niyaang trading range na dati ay naging balakid sa presyo ng coin na to ng ilang buwan.
Pero ilang beses na ring binara ng mga sellers ang pag-akyat lampas sa $0.00000534.
Ngayon, naglalaro si PEPE malapit sa $0.00000474, importante itong support level. Kung magbabounce dito, ibig sabihin, effective ang depensa ng buyers at may chance pang tuloy ang breakout. Base rin sa RSI na 54, may window pa pwedeng mag-rally pataas.
- Bullish: Kapag napanatili sa $0.00000474, pwedeng muling umakyat papuntang $0.00000534 at posibleng sunod ay $0.00000618.
- Bearish: Pagbumagsak pa higit pa sa $0.00000445, posibleng dumiretso paibaba hanggang $0.00000415.

PEPE daily chart. Source: TradingView3. Stacks (STX): May Pag-asa pa Ba Matapos ang 42% na Bagsak?
Naranasan ng STX ang matinding correction na halos 42% mula all-time high sa kalagitnaan ng October, umabot sa $0.2852 nung nagyari ang selloff noong October 30.
Nagsimula nang pumasok ang buyers around dyan sa level na yan kaya unti-unting nakabalik ang presyo papuntang $0.33.
Pero medyo mahina at unstable pa rin ang recovery. Tine-test ngayon ng STX ang resistance malapit sa $0.3248 habang mas malaki pang harang ang $0.34. Nasa RSI na 50 kaya walang malinaw na lamang ang buyers o sellers sa ngayon.
- Bullish: Kung makakapanara ng daily candle sa taas ng $0.34, may tsansang umakyat hanggang $0.3811, mga 16% taas pa sa current price.
- Bearish: Kung babagsak at mawawala sa ilalim ng $0.2852, pwedeng ma-expose ang support zone sa $0.229–$0.245.

STX daily chart. Source: TradingView
Para sa tatlong altcoins na to, abangan ang daily close malapit sa mga level na nabanggit para makita natin kung tuloy-tuloy pa ba ang recovery nila o baka matuluyan pang bumaba ang presyo.

