Napaangat ni Eric Trump ang SPCX, Pero 911 Million Unlock Mabigat Pa Rin Para sa SpaceX Stock

abstrak:Eric Trump defended Elon Musk against a Bloomberg column accusing him of overpromising, citing SpaceX‘s 2025 record: about 80–85% of all mass launched to orbit, 165 successful Falcon 9 flights, and no failures, versus roughly 8–10% for China. The defense came as 911 million restricted shares became tradable; the stock rose 4.15% to $112.76. However, the recent drop was driven by earnings: revenue hit $7.8 billion, above estimates, but spending reached $18.4 billion against a $13 billion forecast, triggering a 13.61% decline Wednesday. The unlock nearly doubled the float to about 12%, while short interest climbed to 219 million shares. Analysts compare the pattern to Facebook’s 2012 lock-up expiration, where outcomes varied. Musk called the dip an obvious entry point, with additional tranches unlocking through December.

Pinagtanggol ni Eric Trump si Elon Musk nitong Huwebes, matapos lumabas ang isang column sa Bloomberg na tinawag ang SpaceX founder na palaging sobra kung mangako. Nagsalita siya mismo sa araw kung kailan naging free-trade ang 911 million na dating restricted shares ng SpaceX.

Tumataas pa rin ang stock ng SpaceX (SPCX). Umabot ang trading sa $112.76 bago magtanghali sa New York nitong Huwebes, up ng 4.15%. Pero, hindi ganoon kalaki ang epekto nito kumpara sa iniisip ng iba.

Performance ng Stock ng SpaceX (SPCX). Source: Yahoo FinanceSinagot ni Eric Trump ang Bloomberg Gamit ang SpaceX Launch Numbers

Sa report, kinilala ng Bloomberg ang reliability ng Falcon 9 at laki ng kita ng Starlink, pero nag-warning na baka masyadong malakas ang bitaw kapag naging full mobile phone network ang SpaceX.

Isang linya talaga ang tumira, kung saan sinabi ng column na matagal nang mahilig mangako nang sobra si Musk pero hindi laging naaabot.

Kinuwestyon ni Eric Trump ang eksaktong linya na yon at sinagot niya gamit ang launch data ng SpaceX.

“overpromising and underdelivering”

I-follow kami sa X para lagi kang updated sa mga crypto news

Pinal na napapatunayan ng flight count ang performance ng SpaceX. 165 Falcon 9 missions ang nilipad nila noong 2025. Nasa 85% yun ng lahat ng orbital launches sa US at halos doble sa naabot ng China. Isang booster pa nga, 32 beses ginamit.

Medyo mas mahina lang yung figures para sa total mass. Kasi yung public trackers, launches lang binibilang at hindi timbang ng payload, kaya mahirap i-verify yung 80% to 85% claim. Ni-repost ni Musk yung thread at tinawag niyang basura yung Bloomberg.

Yung $18 Billion Reason sa Pagbagsak ng SpaceX Stock

Wala sa kanila ang nagbanggit ng totoong dahilan ng pagbagsak. Naglabas ng earnings report ang SpaceX nitong Martes. Umabot sa $7.8 billion ang revenue—tumaas ng 92% at lampas sa $6.8 billion na expected ng mga analyst.

Pero lumalabas na gastos talaga ang naging malaking issue. Gumastos ang SpaceX ng $18.4 billion sa quarter na yon, samantalang forecast ay nasa $13 billion lang. Mas higit pa ito sa doble ng kinita nila sa revenue.

Bumagsak ang shares ng 13.61% nitong Miyerkules sa $108.27. Wala talagang kinalaman ang Bloomberg dito. Nauna na si Jim Cramer na i-flag ang unlock bilang dahilan kaya dapat hintayin muna ng iba.

Malaking isyu din ang supply. Nasa 911.5 million shares naging free-trade ngayong Huwebes, at halos $98.7 billion ang total value nito base sa closing kahapon.

Halos dumoble din ngayon ang tradable na float. Mula sa 5%, naging mga 12% na ng kabuuang kumpanya, at bumalik na naman ang matagal nang usapan sa manipis na float valuation.

Una namang kumilos ang mga short sellers. Sa exchange data, 165 million shares ang na-short sell as of July 15 settlement, nasa 26% yun ng float. Sa sumunod na filing noong July 29, nasa 219 million na yan.

Iyan ang nagpapaliwanag ng galaw nitong Huwebes. Dahil kalahati ng market puro short interest, yung rally ay puwedeng nanggaling sa bears na kailangan magbuyback ng stocks para mag close position.

Anong Sinasabi ng 2012 Unlock ng Facebook Tungkol sa SpaceX Stock?

May idea ang history kung paano tinetest ang ganitong sitwasyon. Nangyari ito dati sa Facebook noong 2012.

Yung unang lock-up nila, nag-free ang 271 million shares noong Aug. 16. Bumagsak yung stock dun sa $19.87 — down ng mahigit 6%, record low yun dati. Ang trading volume nun, limang beses ng normal.

Pero nang mas marami ang na-unlock, baliktad ang nangyari. Noong nag-free ang 773 million shares noong Nov. 14, tumaas ang Facebook ng 12.6%. Si Mark Zuckerberg mismo, hawak ni 504 million shares at sinabing hindi niya ibebenta.

Pinag-aralan ng valuation prof na si Aswath Damodaran ang pattern sa mga ganitong situation. Nakita niya na karaniwang nababawasan ng 2% hanggang 5% ang stock sa tuwing nag-e-expire yung lock-up, pero sa mga 1/3 ng ganitong cases, mas tumataas pa ang stock. Sobrang taas lagi ng trading volume sa mga araw na ito.

Ibig sabihin, normal lang itong nangyayari ngayon at hindi sign ng matinding bullish sentiment. May ilang bulls pa rin na tingin ay may suwerte pa dito. Si Musk mismo, tinawag na obvious entry point ang pagbagsak ng stock. Isang trader pa nga ay naglagay ng $20 million options bet para sa possible na rebound.

May walo pang tranches na lalabas hanggang December, at mananatiling naka-lock ang stake ni Musk hanggang 2027.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Bagsak ng 4.4% ang Stock ng SoftBank Kahit Nalamangan ang Profit Expectation

Susunod

Ang mababang pabagu-bago ng Bitcoin ay T nangangahulugang mababang panganib