Lumagda si President Donald Trump at anim na tech leaders sa isang voluntary AI accord noong Martes, kung saan hinihiling nila sa mga tech companies na bantayan ang sarili nilang AI systems. Tinanggihan ni Trump ang panawagan na lagyan ng federal guardrails ang AI.
Pinost ni Trump ang one-page na dokumento sa Truth Social. Dumadami na ang mga tumututol sa mga data center, at ilang beses na ring nagka-problema ang mga AI agents—o mga software na gumagawa ng task para sa users—sa mga sikat na insidente nitong mga nakaraang araw.
Ano ang hinihingi ng AI accord sa mga tech companies?
Ayon sa Reuters, may apat na layer ng oversight ang accord na ito. Unang gagawin ng companies ay gumawa ng internal controls para bantayan ang behavior ng kanilang models mula training hanggang release—lalo na pagdating sa hacking, biological, at chemical risks. May sarili ring team na magve-verify kung gumagana talaga ang internal controls na yan.
Pagkatapos niyan, bawat company ay makikipagpartner sa isang outside auditor para magpatest ng AI nila nang independent. May separate board committee rin na magre-review ng findings mula sa internal control teams at sa external auditors.
Sinabi ng AP na lumagda rin dito sina Anthropic‘s Dario Amodei, Google’s Sundar Pichai, Meta‘s Mark Zuckerberg, OpenAI President Greg Brockman, Nvidia’s Jensen Huang, at xAI founder Elon Musk, kasama si Trump.

Lahat ng lumagda sa AI accord. Image Source: Truth Social
“Regular na magpupulong ang mga company na kasali para mag-set ng standards at best practices na pwedeng mag-improve ng safety ng kanilang AI systems.”
White House accord, via Reuters
Bakit limitado lang ang bigat ng AI accord?
Pero, voluntary lang ang pledge na ‘to. Sabi sa document, baka mag-make sense na gawing batas ang mga steps na ’to pagdating ng panahon. Itinuturing ni Trump na “morally binding” ang commitment, kaya parang sarili lang nilang reputation ang puhunan dito, hindi ito sakop ng batas.
Sa mga news tungkol sa document, walang binanggit kung sino ang pipili ng auditors, anong standards ang susundin, o anong mangyayari kung pumalpak ang isang control. Sinabi lang ni Trump na maglalagay siya ng overseer sa mga susunod na araw at tinatayang nasa 10 tao ang bubuo sa committee.
Sinabi ni Trump na hindi niya bet ang AI guardrails nitong mga nakaraan, at nilarawan niya ang AI bilang karera laban sa China kung saan walang puwang para sa pangalawa lang.
Pero hati pa rin ang industry sa usaping AI slowdown. Si Amodei, na nagsulat ng essay na dapat dahan-dahanin ang AI, naniniwala talaga na may risk ang tech na to at pinag-uusapan pa ang best response.
We Must Pace the Frontier: Ive written a new essay on why the AI industry should slow down, with a three-part plan for doing so.
Anthropic is unilaterally committing to the first of these steps. Well provide third-party evaluators with permanent, employee-level access to our…
— Dario Amodei (@DarioAmodei) September 12, 2026
Samantala, naniniwala si House Speaker Mike Johnson na nasa developers ang responsibilidad sa AI safety.
Kaya, sa mga susunod na araw, dito masusubok ang accord. Kapag naging public na ang overseer at ang committee na ipinangako ni Trump, makikita kung may enforcement talaga o sarili lang nila itong agreement.

