Gusto ng Crypto Exchanges Makisali sa Stock Trading Mo Pagdating ng 2027

abstrak:Pinaliwanag ng LBank kung paano maka-expose sa Nvidia stock ang crypto traders kahit wala silang shares, pati expansion nila sa traditional markets at 2027 strategy.

Sa LBank, pwedeng mag-position ang mga trader sa Nvidia kahit hindi sila bumibili ng shares nito. Pwede nilang sundan ang galaw ng sikat na chipmaker gamit ang stock-linked instrument na nasa platform na ginagamit na rin nila para sa crypto.

Ito yung isa sa mga example kung paano ginagawang mas malawak ng mga exchange ang serbisyo nila habang papalapit ang 2027. Sa interview ng BeInCrypto kay Kaia Wong, VP of Marketing & Partnerships ng LBank, sinabi niya na gusto nilang sundan ang galaw ng mga trader sa mga bagong market—at siguraduhing babalik pa rin sila kahit tapos na ang mga promo reward.

Bakit Tinitingnan ng mga Crypto Trader ang Wall Street

Sabi ni Kaia, yung mga kwento tungkol sa AI at economic policy ay talagang nagpapalapit ng mga customer sa “opportunity sa labas ng crypto.” Gusto nilang maki-trade sa mga ganitong development gamit ang platform na gamay na nila.

Ayon kay Kaia, mahigit 250 trading pair ang ino-offer ng LBank para sa stocks at commodities. Umaabot sa higit $3 billion ang peak daily volume ng mga tradfi product nila.

Pati yung buong market, lumalaki na rin. Batay sa data, ang tokenized stocks on-chain value ay nasa $3.17 billion na—umakyat ng 395% kumpara noong isang taon. Value ng mga existing tokenized stocks to, iba pa ito sa trading volume.

Paano Makakabili ng Nvidia Kahit Wala Kang Totoong Shares

Dapat mas tutukan kung ano talaga ang binibili mo sa ganitong setup.

“Stock-linked instrument ang pag-aari nila.” Yan ang sagot ni Kaia pag tinanong tungkol sa Nvidia product ng LBank. Nagbibigay ito ng exposure sa galaw ng share price, kahit na hindi mo talaga hawak o pag-aari yung aktwal na shares.

Marami ng ganitong klase ng produkto sa ibat ibang exchange ngayon.

Sa mga ganitong arrangement, pwedeng mag-express ng bet ang customer kung tingin nilang aangat ang future ng isang company. Pero kahit kilala ang ticker, minsan iba na ang investment na makukuha mo kumpara sa actual shares na binibili ng tradisyonal na stock investor.

Bakit Gustong Magdala ng Kilalang Character ang Trading Platform

Kailangan pa rin ng audience ng mga ganitong produkto. Kaya nagpa-partner ang LBank sa mga cultural brand tulad ng Nobody Sausage at Pudgy Penguins para mas makilala sila.

Sabi ni Kaia, “Gusto naming bigyan ng boses at ‘mukha’ ang trading” lalo na sa market kung saan halos magkakahawig na ang mga produkto. Sabi rin niya, yung mga kilalang character, nakakatulong para maging mas approachable ang platform.

Noong August, kasama sa partnership ng LBank at Pudgy Penguins ang 500,000 USDT campaign. Pinagsama nila dito yung branding strategy at typical na exchange tactic—yung pagbibigay ng incentive para magsimula ang users mag-trade.

Anong Nangyayari Kapag Naubos na ang Rewards?

Nilinaw ni Kaia Wong kung hanggang saan lang ang kaya ng mga incentive.

Pwede kang ma-enganyo mag-trade ng reward, sabi niya, pero “hindi ito nakakatulong para sustain ang matinding volume sa long term.”

Paliwanag niya, babalik lang ang customers kung ino-offer ng exchange ang market na gusto nila at meron silang dependable na trading experience. Yung pagdagdag ng exposure sa stocks, nagbibigay lang ng panibagong rason lalo na sa mga interesado sa AI companies para gamitin pa rin yung parehong app.

Sabi nga niya, “Retention talaga ang susi sa performance namin.”

Wala mang binibigay na specific retention figures sa interview, pero makikita mo na kaya patuloy ang expansion ng exchange kahit marami na silang registration ay dahil dito sa approach na to.

Kahit Sikat ang Blockchain, Kailangan pa rin ng Token Check

Yung paghahanap ng bagong market, dala rin ang exchanges sa mga bagong blockchain ecosystem. Halimbawa, nag-launch ang Robinhood ng public mainnet noong July, at gumawa ang LBank ng sariling section para sa mga token na konektado sa network na yun.

Sabi ni Kaia, “Iniisa-isa namin i-assess bawat token.” Bukod sa check sa quality at transparency ng project, tinitingnan din nila kung sinu-sino ang holders at kung may sapat na liquidity.

In-explain din niya na kahit may pangalan ng Robinhood sa chain, hindi ibig sabihin endorse nila lahat ng token na built doon. Para sa mga bibili, pwedeng magkaiba yung platform na nagho-host ng asset at yung organization na gumawa nito.

BeInCrypto ResearchPuwede Ka Bang Magbenta Sa Presyong Nakikita Mo sa Screen?

Sa mga bumibili ng bagong listed na token, importante rin kung gaano kabilis mong mabebenta—hindi lang yung entry price ang tinitingnan.

Importante ang available na buy orders. Kung kaunti lang ang nag-aabang na bibili malapit sa presyo na nakikita mo, posible magbenta ka sa mas mababang presyo na naka-queue pa sa order book—kaya mas mababa ang makukuha mo.

Sabi ni Kaia, kailangan magbigay ang exchanges ng “transparent na info at consistent na matching rules.”

“Yun ang mga measure na nagpapakita kung paano talaga nagsisilbi ang market sa users namin—hindi lang base sa headline trading volume.”

Ibig sabihin, kasama sa kwento ng expansion ang execution o gaano kadaling mag-trade. Mas madami ang bagong listing, mas marami kang option; pero yung liquidity sa likod ng bawat isa, yun ang magde-decide kung gano kabilis ka makakabenta o makakabili.

Anong Totoong Ibig Sabihin ng ‘100x’ na Promise?

Kapag pinopromote ng LBank ang “100x gems,” usapan talaga: Pano ba talaga dapat interpret itong mga matinding kita na ito?

Sabi ni Kaia, headline lang o historical result ang “100x”—“hindi ito nangangako na lagi mong ma-e-expect yan.” Kinilala niya na “maraming token, hindi rin talaga pare-pareho ang dinadaanan sa paglipas ng panahon.”

Importante ang context dito lalo na kapag pinag-uusapan yung matinding volatility sa umpisa ng isang token at kung gaano kahirap magbenta kapag nagbabago yung liquidity.

Mahalaga yung context kasi kahit malaki pa ang gain na nakuha ng isang token, hindi ibig sabihin nun na yun din ang kinita ng normal na user. Kung magkano nila nabili at kung kailan sila nakapagbenta, yun ang pinaka-importante sa resulta.

Para Kanino Ba Talaga Ginagawa ang Exchange?

Natapos ang usapan sa eleventh-anniversary theme ng LBank, “Come as you are”, kung saan gusto nilang ipakita na open sila sa ibat ibang klase ng tao na gustong mag-experience ng exchange.

Sabi ni Kaia, madalas mas nabebenefit ng mga may experience sa trading yung mga platform.

“Responsibilidad namin na salubungin ang users kung nasaan sila, at tulungan silang mag-progress sa sarili nilang bilis.”

Lalo pang lumalaki yung responsibilidad na yun habang dumarami ang mga options sa trading. Halimbawa, kung sanay na bumili ng Bitcoin ang isang tao, baka kailangan pa rin nila ng dagdag na paliwanag bago sumubok kumuha ng posisyon sa Nvidia.

Papalapit sa 2027, mas kakailanganin ng mga users yung ganitong mga paliwanag bago sila bumili, lalo na kapag yung kilalang stock ticker ay nagre-represent na pala ng bagong kontrata na hindi pa nila kabisado.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Pokémon Cards, Pwedeng In-overtake ang NVIDIA Bilang Pinakamalupit na Asset Sa Mundo

Susunod

Nag-pause ang Bank of Korea, pero dahil sa chip boom, pwede pa ring tumaas ang interest rate