Nagbukas si Grayscale ng 10 Crypto ETF para sa Investors—Pero May Twist

abstrak:Puwede na bumili ng ilang crypto ETFs gamit diretsong coins sa Grayscale para sa qualified investors, pero iba-iba ang minimum at risk dito.

Kung isa ka sa mga crypto investor na may malaking hawak ng Bitcoin, Solana, o XRP, may bagong paraan ka na ngayon para magamit yung mga coins mo sa traditional na finance—kahit hindi mo muna ibenta ang mga ito.

Inanunsyo ng Grayscale na puwede nang i-exchange ng mga qualified na investor ang kanilang crypto directly para maging shares sa sampu sa mga investment product nila.

Dahil dito, tanggal na yung usual na step kung saan kelangang gawing cash muna bago pumasok sa traditional markets, kaya puwedeng bumaba ang trading costs at mas madali nang i-manage ang crypto gamit ang brokerage account.

Halimbawa, ang isang Bitcoin holder puwedeng mag-contribute ng BTC through isang approved na intermediary tapos makakatanggap na siya ng shares ng Grayscale Bitcoin Mini Trust ETF.

Sa ganitong setup, nakasunod pa rin ang investor sa galaw ng presyo ng Bitcoin kahit hindi na siya mismo ang nagma-manage ng mga coins.

Introducing in-kind investing at Grayscale: contribute eligible digital assets directly in exchange for shares of a Grayscale product.

Benefits for investors include:

– Reduced burden of self-custody

– Potentially lower execution costs

– Incorporation into conventional… pic.twitter.com/NfS98q1aoy

— Grayscale (@Grayscale) October 21, 2026

Ang Catch: Kailangan mo ng Halos $365,000

Nasa $364,800 ang minimum para sa Grayscale Bitcoin Mini Trust ETF. Para naman sa Solana Staking ETF, nagsisimula ito sa mga $80,300 habang ang Dogecoin ay nasa $95,550.

Para sa XRP kailangan mo ng mga nasa $257,000.

Depende ang mga amount na yan sa presyo ng coin noong October 20, kaya puwede pang magbago kung mag-iba ang galaw ng market.

Sakop din ng expansion nila ang Ethereum, Avalanche, Chainlink, Hyperliquid, Sui, at Zcash products.

Kung gusto mong gamitin ang bagong offer ng Grayscale, kailangan mo pa ring dumaan sa authorized participant o sa isang connected intermediary. Hindi pa sila naglalabas ng listahan kung sino-sino ang qualified, at may bayad pa rin para sa mga facilitator.

May mga dagdag pa na dapat isaalang-alang.

  • Puwedeng maging taxable event ang pag-contribute ng crypto.
  • Puwedeng magkaroon ng delay o slippage habang nagta-transfer, at minsan nagta-trade sa ibabaw o ilalim ng value ng actual holdings ang mga ETF shares.
  • Wala rin sa mga produktong to ang protections na binibigay ng Investment Company Act of 1940.

Puwedeng gawing mas madali ng Grayscale move na ito na pagsamahin ang malaking crypto portfolio sa traditional investing. Pero kung madami bang papasok na bagong investors dahil dito, yan pa yung malaking tanong.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Bakit Parang Nawawalan ng Buhay si Bitcoin? May Hinahandang Clue ang On-Chain Data

Susunod

Switzerland In-approve ang Unang Spot Bitcoin ETF para sa Retail, Pinagaan ang Rules