Deutsche Bank, Pasok na sa Crypto—Mag-o-offer na ng Bitcoin Custody ang Pinakamalaking Bangko sa Germany

abstrak:Nag-launch ang Deutsche Bank ng crypto custody para sa Bitcoin, Ethereum, at stablecoins. Pwedeng gamitin ng selected clients—abangan ang susunod na update!

Opisyal nang nag-launch ang Deutsche Bank ng crypto custody service para sa Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH), at ilang stablecoin. Nagsimula ang service nitong Wednesday, dalawang buwan matapos i-announce ng bangko ang plano nilang ito.

Dahil dito, pumasok na rin ang pinakamalaking bangko sa Germany bilang direct na player pagdating sa institutional na digital asset services sa buong Europe.

Anong Ibig Sabihin ng Bagong Crypto Custody Service ng Deutsche Bank?

Ang crypto custody ay isang regulated na serbisyo kung saan isang institution ang nagaalaga ng digital assets ng mga client. Sila ang nagma-manage ng private keys at wallet para sa mga kliyente nila.

Ayon sa Reuters, kinumpirma ng Deutsche Bank nitong Wednesday ang pag-launch. Sinasakop ng service ang Bitcoin, Ethereum, pati na tatlong stablecoin at mga e-money token.

Kasama rito ang USDC, EURC, at EURAU—isang euro token galing AllUnity. Sila na rin ang bahala sa safekeeping at pag-transfer ng assets. Wala pa sa service ngayon ang tokenized financial instruments pero nasa plano na rin nila ito. Gumagamit ang service ng multi-layer key management controls para sa mas secure na transactions.

BREAKING: ???????? $2.23 Trillion Deutsche Bank has officially launched crypto custody for $BTC, $ETH and stablecoins.

Bullish ???? pic.twitter.com/h2xnzoN4O5

— Ash Crypto (@AshCrypto) November 11, 2026

Pero para lang sa mga corporate at investment bank clients ang service na ito—hindi makaka-access ang mga retail investor. Target nila dito ang asset managers, hedge funds, brokers, at mga sovereign institution.

Matagal din bago natuloy ito. Nag-apply pa ang Deutsche Bank ng digital asset license sa BaFin ng Germany noong June 2023, mga 41 buwan na ang nakaraan. Kapansin-pansin din na nakakuha ng custody license ang Commerzbank noong 2023, habang tatlo pang applicant sa Germany ang na-approve habang naghihintay pa ang Deutsche Bank.

Anong Susunod sa Crypto Expansion ng Deutsche Bank?

In-announce ng bangko ang service nitong September, depende sa regulatory timeline. Sinabi ng Co-Head ng Corporate Bank na si Gerald Podobnik na ang digital assets ay isang “important complement” o mahalagang dagdag sa tradisyonal na finance.

Noong October, sinabi ni Podobnik sa media na sa Germany muna unang ilulunsad ang service. Pero dahil may MiCA authorization na din sila, sakop na nito ang lahat ng 30 European Economic Area states.

Sa future, plano ng Deutsche Bank na mag-expand sa mga Asian financial centers pagsapit ng 2027. Plano rin nilang idagdag ang stablecoin conversion services, tokenized deposits, at digital bond issuance. Support na din ito sa target ng banko na 8% annual growth sa corporate banking pagdating ng 2028.

Kahit bago lang nag-launch, nag-sign din ang Deutsche Bank ng memorandum of understanding with Deutsche Asset Management nitong Wednesday para pag-usapan pa ang dagdag na digital asset projects. Kasabay rin ng launch, nag-report ang banko ng record third-quarter profit na €1.9 billion (nasa $2.1 billion).

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Amerikano Utang na P1.29 Trillion sa Credit Card, Sino Arojado Pag Nagtaas ng Interest ang Fed?

Susunod

Balik Bearish ang Usapan sa Bitcoin — Ganito Nangyari sa Presyo Noong Nakaraan