Mula Crypto Hanggang AI Selloff: Bakit Naiipit si CoreWeave Ngayon

abstrak:Bumagsak ng higit 30% ang shares ng CoreWeave ngayong October dahil sa utang concerns. Ang dating Ethereum miner, sinusubukan na ngayon ang AI trade funding.

Bumagsak ng mahigit 30% ang shares ng CoreWeave (CRWV) ngayong October dahil nag-aalangan ang mga investor matapos umutang ng halos $52 billion ang kumpanya para sa mga artificial intelligence (AI) data centers, kahit pa doble ang nilaki ng revenue nila nung nakaraang quarter.

Hindi AI agad ang focus ng kumpanyang ito na sinuportahan ng Nvidia. Nagsimula ang CoreWeave bilang Atlantic Crypto noong 2017, kung saan nagmi-mine sila ng Ethereum (ETH) gamit ang graphics processing units (GPUs). Noong 2019, pinalitan nila ang pangalan sa CoreWeave at nag-shift papunta sa pagrenta ng computing power gamit ang dating mining hardware.

Bakit Umaalis ang Bond Investors Kahit Malaki ang Kita ng CoreWeave?

Kumikita ang CoreWeave ng nasa $2.5 billion para sa second quarter, tumaas ng 112% kumpara noong nakaraang taon. Pero sa kabila nito, mas mataas magpautang ang debt markets. Halos 15% na ang yield ng unsecured bonds nila ayon sa ulat.

Samantala, pumalo na sa mahigit 11% ang spread ng credit default swaps nila—mga kontrata na parang insurance kapag di nakabayad ang kumpanya ayon kay CNBC.

Sinabi ni Nvidia CEO Jensen Huang noong nakaraang linggo na hindi kailangan ng CoreWeave ng tulong mula sa chipmaker — at nilinaw din niya sa publiko ang tungkol sa gastos nito sa pagkuha ng pondo.

“Bumababa actually ang cost of capital nila.”

Sinabi niya ito noong October 15, isang araw matapos bumagsak nang 15% ang CoreWeave stock — pinakamatinding one-day drop nila simula pa February.

Anong Mangyayari sa AI Trade Kung Hindi Mare-refinance ng CoreWeave ang Utang Nila?

Mas malalim ang involvement ng Nvidia: sila ang supplier ng chips, may hawak silang halos 9% ng CoreWeave, at nag-commit na bibili sila ng nasa $6.3 billion ng capacity ng CoreWeave kung walang ibang buyer.

Halos 40% ang ibinaba ng presyo ng CRWV nitong nakalipas na buwan. Source: Trading View

May connection pa rin sa crypto. Nag-renta ang CoreWeave ng space mula sa Core Scientific (CORZ), isa namang bitcoin miner na nagshi-shift na din patungong AI hosting. Tinanggihan din ng mga shareholder ng Core Scientific ang $9 billion takeover offer ng CoreWeave noong October 2025.

Pati yung mga tinatawag na Neoclouds (mga provider na nagpaparenta ng GPU na halos puro Nvidia ang gamit) ramdam din ang pressure. Bumagsak ng at least 30% din ang Nebius at IREN ngayong buwan, ayon sa CNBC — kasabay ng CoreWeave.

Kaya kung mahirapan ang CoreWeave mag-refinance, posible ring tumaas ang gastos para sa ibang project na umaasa sa utang para sa GPU build-out — kasama dito yung mga miners tulad ng Core Scientific na lumilipat na din sa AI.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Sabi ni Trump, Pwede Ngayong Araw Umatake ang Iran—Kakayanin Ba ni Bitcoin ang $80K?

Susunod

3 Stocks na Dapat Bantayan Ngayong Linggo Habang Umaarangkada ang Earnings Season sa Crypto