Bank of America Nilista ang 5 Stocks na Bullish Kahit May Market Concerns

abstrak:Pinili ng Bank of America ang limang safe haven stocks, pero kulelat pa rin sina AT&T, L3Harris, at Krispy Kreme kumpara sa 2026 starting price nila.

Dahil sa sunod-sunod na bentahan sa Wall Street, marami sa mga investors ngayon ang naghahanap ng mas safe na paraan kung saan pwede ilagay ang pera nila. Bank of America, may nakikitang potential sa limang stocks.

Kahit ganon, tatlo dito ay bumaba na ngayong taon, habang yung mas malaking US market naman ay tumaas ng higit 10%.

Lalong dumami ang naghahanap ng safe na investments noong November 5 nang magkaroon ng AI-led market crash na nagbura ng halos $2 trillion sa US stocks sa unang oras pa lang.

Nag-alala ang mga investors na baka ma-delay ang pag-develop ng AI data centers dahil sa bagong hawak ng Democrats sa Congress.

Yung mga stock picks ng Bank of America ay parang alternatibo sa AI trade. Pero sa ngayon, dalawa pa lang dito ang mas mataas ang performance kumpara sa S&P 500.

2026 na performance ng mga stock pick ng Bank of America kumpara sa S&P 500. Source: Google FinanceDalawang Stocks na Mukhang Matibay pa Rin

Madison Square Garden Entertainment (MSGE)ang standout dito. Umakyat ng halos 48% ang shares ngayong taon, lalo na dahil sa mga malalaking concerts tulad ng kay Harry Styles. Sabi ng Bank of America, magbibigay pa ng dagdag na boost ang Christmas Spectacular nila dahil madami ang shows at malakas ang advance ticket sales.

U.S. Bancorp (USB)naman tumaas ng halos 18%. Nakikita ng bangko na pwede pang tumaas ang kita nila habang binabago ang presyo ng mga luma nilang asset at dumadami ang income galing sa ibang fees. Pero syempre, nakasalalay pa rin sa kundisyon ng economy ang kanilang full recovery.

Yung tatlo pang stocks, mas matindi pa ang kailangang pagdaanan.

Tatlong Stocks na Umaasa pa sa Recovery

AT&T (T)bagsak ng mahigit 6% kahit ito ang top US telecom pick ng Bank of America. Sabi ng analysts, gumaganda daw ang cash flow ng AT&T, may dividend sila, at may price target na $34. Pero so far, hindi pa ramdam ng shares yung optimism na yun.

L3Harris (LHX)bumaba ng mga 7%. Gusto ng Bank of America yung focus ng bagong CEO sa mas maganda na pag-execute at overseas sales. Kaso, may bagong issue na kinahaharap ang kumpanyang ito dahil daw sa posibleng involvement nila sa nationwide flight stoppage nitong Friday.

Krispy Kreme (DNUT)naman nabawasan ng halos 2.5% kahit nag-rebound siya kamakailan. Sabi ng analyst na si Sara Senatore, yung pagpapanatili ng earnings guidance sa kabila ng tumataas na gastos ay:

“Pinakamalinaw na ebidensya na sustainable ang savings mula sa turnaround.”

Pinapakita nitong limang stocks kung gaano kahirap maghanap ng safe haven pag magulo ang market. Nakapagpakita na ng matinding rally ang Madison Square Garden. Samantalang yung tatlo, kailangan pa nila patunayan na magta-translate sa mas mataas na presyo ng shares yung recovery plans nila.

Para sa investors, hindi garantiya ang Buy rating na hindi na muling babagsak ang market.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Malalaking Bangko May Halos $1 Trillion Nakatalaga sa AI—Paano Kung Biglang Bumagsak ang Hype?