May matinding security threat na maka-apekto sa milyong-milyong website, kaya maraming crypto user ang nag-aalala — lalo na yung gumagamit ng mga mas maliit na exchange at crypto payment service.
Noong Miyerkules, October 21, naglabas ang mga PHP developer ng emergency patch para sa dalawang vulnerability na tinatawag na PHP2Shell, na may severity na 9.2/10.
Dahil sa security flaw na ito, pwedeng makapasok ang hackers sa mga mahinang server kahit walang password, manakaw ang mga sensitibong impormasyon, at potential ding makontrol nila ang mismong mga website.
Malala ang panganib ngayon. Kinumpirma ng Cloudflare na may mga attackers nang nag-try mag-exploit ng vulnerabilities na ito laban sa customers nila.
Ilang official na website ng gobyerno sa Europe ay pansamantalang pinatigil bilang precaution.
Call me paranoid, but be extra careful visiting ANY web site in the next few days, as some web admins are not always up-to-date with security patches.
Two vulnerabilities (CVE-2026-109618 and CVE-2026-109619) reported for PHP, the web programming language, affecting servers…
— CZ ???? BNB (@cz_binance) October 21, 2026
Aling Crypto Platforms ang Pinakamalaking Nasa Panganib?
Ang PHP ay isang software na ginagamit ng mga website para magproseso ng info sa backend. Tuwing may naglo-login o nagbabayad, kadalasan PHP ang tumutulong mag-handle ng request sa server.
Nadiskubre ng mga researcher na pwedeng i-manipulate ng hacker kung paano nagha-handle ng memory ang PHP at dahil dito, pwede silang makakuha ng mga info na dapat sanay secured.
Ayon sa Wiz Research, kung magtagumpay ang atake, puwedeng mabunyag ang mga password, authentication token, at API key — mga digital credentials na pwedeng magbigay access sa accounts o connected na service.
Para sa mga crypto platform, matindi ang pwedeng maging epekto nito.
Nakita sa analysis namin na may tatlong pinakamalaking kategoriya na open sa risk na ito:
- Crypto payment gateway:Lahat ng merchant na gumagamit ng PHP-based na payment integration ay sobrang exposed kung hindi pa updated ang servers nila. Halimbawa nito ang Binance Pay, Crypto.com Pay, BitPay, CoinGate, at CoinPayments na documented na gumagamit ng WooCommerce integration.
- Mas maliliit na crypto exchange:Mga platform na PHP ang gamit sa account portal o payment system, delikado kung ma-hack ang service nila dahil pwedeng malantad ang customer info at mahahalagang credentials.
- Mga DeFi at wallet website:Kung vulnerable ang web interface nila, pwedeng mapasok, baguhin, o magpanggap ang hacker na nagpapakita ng fake wallet address — at maloko ang users na mag-approve ng malicious na transaction.
SlowMists threat intelligence system, MistEye, has conducted a global scan of PHP-related assets across the crypto industry.
We urge all platforms, DeFi projects, wallet providers, and other relevant parties to assess potential risks and upgrade to the official patched versions… pic.twitter.com/mPEeA3QLPq
— SlowMist (@SlowMist_Team) October 21, 2026
Mahalagang linawin, na ang assessment na to ay possible exposures lang. Wala pang kumpirmadong ebidensya na yung mga nabanggit na payment provider o malalaking exchange ay nabiktima ng PHP2Shell.
Ang integration nila sa merchant ay hindi ibig sabihin na exposed na agad ang core systems nila.
Mababa ang risk para sa mga malalaking exchange na updated o isolated ang infrastructure. Halimbawa,nag-report mismo ang Krakenna tapos na ang migration nila mula PHP papuntang Rust para sa core backend nila simula 2025.
Ang mismong blockchain networks, smart contract, at mga private key na naka-store sa offline hardware wallet ay hindi apektado ng PHP vulnerability na to.
Ano ang Dapat Gawin Ngayon ng Bawat Crypto User?
Hindi kayang i-install ng users mismo ang PHP security fix — trabaho to ng mga namamahala ng website. Pero, marami kang pwedeng gawin para mabawasan ang risk.
- I-check ang official security announcements ng exchange mo. Hanapin kung kumpirmadong updated na ang web infrastructure nila.
- I-activate ang malakas na two-factor authentication o passkeys. Gamitin ang withdrawal address allowlist kung meron sa exchange mo.
- I-double check ang payment address. Bago magpadala ng crypto, siguraduhin mo muna through trusted channel especially kung first time mong gagamitin yung payment website.
- Mag-ingat sa mga biglaang security alert na mukhang urgent. Madalas, ginagamit iyan ng hackers para magpakalat ng fake login page o phishing na wallet-connection request.
Walang dahilan para isipin na lahat ng crypto exchange ay nalusutan na o kailangan kaagad mag-withdraw ng funds.
Ang dapat talagang bantayan ay kung na-patch na ng platform ang PHP service nila. Hanggat hindi pa kumpirmado na secured na ang platform, kailangan extra ingat kung magta-transact sa mga website na tumatanggap ng crypto payments.

