3 Token Unlock na Dapat Bantayan sa Huling Linggo ng October 2026

abstrak:Lampas $793.6 million na token unlocks ang pangungunahan ng LayerZero, Plasma, at Humanity sa fourth week ng October 2026.

Nasa $793.6 million na halaga ng crypto tokens ang ilalabas sa market sa ika-apat na linggo ng October 2026. Kabilang sa mga malalaking project na maglalabas ng bagong tokens itong LayerZero (ZRO), Plasma (XPL), at Humanity (H).

Posibleng magdala ng matinding volatility sa market itong mga token unlocks na ito, kaya puwedeng makaapekto sa presyo lalo na sa short term. Heto ang kailangan mong abangan:

1. LayerZero (ZRO)

  • Unlock Date:October 20
  • Bilang ng Tokens na Iu-unlock:23.28 million ZRO
  • Released Supply:607.45 million ZRO
  • Total Supply:1 billion ZRO

Ang LayerZero ay isang interoperability protocol na nagkokonekta ng iba‘t ibang blockchain. Ang goal nito ay gawing automatic at seamless ang cross-chain communication, kaya nagagawa ng mga dApps na mag-connect sa iba’t ibang blockchain nang di na kailangan dumaan sa mga luma at hassle na bridging model.

Magbubukas sila ng 23.28 million tokens sa October 20, na katumbas ng 3.83% ng released supply, at halaga nitong nasa $43.54 million.

ZRO Crypto Token Unlock sa October. Source: Tokenomist

Mabibigyan ng 10.99 million altcoins ang strategic partners ng LayerZero. Yung core contributors naman, makakatanggap ng 10.63 million ZRO. May 1.67 million ZRO din para sa mga tokens na binili ulit ng team.

2. Plasma (XPL)

  • Unlock Date:October 25
  • Bilang ng Tokens na Iu-unlock:227.78 million XPL
  • Released Supply:4.53 billion XPL
  • Total Supply:10 billion XPL

Ang Plasma ay isang Layer 1 blockchain platform na ginawa para mas mapadali at mapabilis ang stablecoin transactions. Puwede dito ang zero-fee USDT transfers, suporta sa sarili mong gas tokens, confidential payments, at mataas na throughput na kailangan para ma-adopt sa buong mundo.

Maglalabas sila ng 227.78 million XPL sa October 25, na ang halaga ay nasa $17.50 million, at ito ay 5.02% ng released supply.

XPL Crypto Token Unlock sa October. Source: Tokenomist

Ang 88.89 million na XPL ay mapupunta para sa ecosystem at growth. Investors at ang team ay makakakuha naman ng tig-69.44 million tokens.

3. Humanity (H)

  • Unlock Date:October 25
  • Bilang ng Tokens na Iu-unlock:266.47 million H
  • Released Supply:3.90 billion H
  • Total Supply:10 billion H

Ang Humanity (H) ay isang decentralized identity protocol na gamit ang biometric palm recognition, zero-knowledge proofs, at blockchain para ma-verify kung totoong tao ang users, nang hindi na-expose ang personal na data nila. Meron din itong native na Proof of Humanity (PoH) consensus mechanism.

Sa October 25, mag-unlock sila ng 266.47 million tokens na nagkakahalaga ng $15.30 million, at ito ay 6.84% ng released supply.

H Crypto Token Unlock sa October. Source: Tokenomist

Hahatiin ng team ang released supply sa anim na bahagi. Yung early contributors makakakuha ng pinakamaraming share na 79.17 million H, habang ang investors ay makakakuha ng 55.56 million altcoins.

Samantala, yung ecosystem fund ay kukuha ng 50 million H, at gagamitin ng Humanity ang 42.86 million tokens bilang reward para sa identity verification.

Makakakuha rin ng 26.39 million H ang Human Institute Strategic Reserve. Sa dulo, 12.50 million naman ang mapupunta sa foundation operations treasury.

Bukod pa rito, may iba pang mga importanteng unlocks ngayong ika-apat na linggo ng October na puwedeng abangan ng mga investor, tulad ng SoSoValue (SOSO), Kaito (KAITO), Bedrock (BR), at iba pa, kaya dagdag pa ito sa market-wide token unlocks.

Naka-mark pa bilang pending verification sa Tokenomist ang LayerZero, Plasma, at Humanity unlocks — kaya projections pa lang ang figures na to.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Ika-6 na “Money Warning” ni Robert Kiyosaki, Pwede Mong Gamitin Para Di Malugi sa Hinaharap

Susunod

Natigil ang 13-Week Inflow ng XRP ETF, May Warning Mula sa On-Chain Payments