Naging bullish si Jim Bianco, president ng Bianco Research at dating bond bear ng anim na taon, pagdating sa bonds. Sabi niya, nasa 5% o higit pa na ang bond yields mula 5 hanggang 30 years na maturity—unang beses ulit mula dalawang dekada na nakakaraan.
Nagdagdag siya ng exposure kahit nagkakaroon ng bond selloff na nagtutulak sa 10-year Treasury yield malapit sa pinakamataas nito sa loob ng dalawampung taon. Para kay Bianco, normal na rate lang ang higher yields ngayon, at hindi ibig sabihin na sira ang market.
Bakit Naging Bullish sa 5% si Jim Bianco na Dating Bond Bear?
Sinabi ni Bianco sa CNBC Fast Money na nagmumula ang 5% nominal economy sa inflation na nasa 3% at real growth na halos 2%.
So, para kay Bianco, aligned ang 5% Treasury yields sa takbo ng ekonomiya ngayon, at tinatawag niya itong fair value mula five years pataas.
Dagdag pa ni Bianco, patuloy pang naaapektuhan ang pananaw ng mga investor sa yields ngayon dahil sa negative rates at money printing noong 2010 hanggang 2020.
“Baka naman walang problema ang bond market.”
Si Jim Bianco, presidente ng Bianco Research, sa panayam niya sa CNBC
Sinabi rin ni Bianco sa Bloomberg na pwede pang magtuloy ang bond selloff, kaya dahan-dahan niyang dinadagdagan ang bond exposure niya.
Ano Pa Kaya ang Maaaring Magpabago ng Bond Bull Case?
Nakikita ni Bianco na controlado pa ang pag-utang ng mga hyperscaler o malalaking AI at cloud companies. Ayon sa kanya, lumiit na rin ang corporate debt kumpara sa GDP sa nakalipas na 10 hanggang 15 taon.
Pero may pressure daw sa triple-C credits, isa sa pinakamababang level ng corporate debt. Kabilang dito ang mga operator ng gaming, cable, at lottery. Samantala, sa single-B credits na mas mataas ng isang level, wala namang masyadong galaw.
Para naman sa mga kumpanyang nag-refinance ng utang nila limang taon na ang nakakaraan, mas mataas ang cost kapag magma-mature na ang utang na yun. Wala pa raw problema sa ngayon ayon kay Bianco, pero binabantayan niya ang risk.
Si analyst Benjamin Cowen naman, ini-expect niyang aabot sa peak bago mag-mid-November ang 10-year yield, lampas sa October 1 high na 5.342%. Sabi pa niya, baka patuloy na tumaas pa ang long-term rates sa loob ng susunod na 10 hanggang 20 taon.
Kung mag-tuloy-tuloy at maging standard ang 5%, mas malaki ang magiging challenge para sa Bitcoin (BTC) at iba pang risk assets na makipagsabayan sa Treasury yields.

