Naglipat ang Trump Media & Technology Group (DJT) ng 4,259 Bitcoin (BTC) papunta sa Crypto.com, ayon sa on-chain analytics firm na Lookonchain. Halos kapareho ito ng BTC na ginawang collateral para sa $1 billion na convertible notes.
Tinatayang nasa $343.67 million ang halaga ng Trump Media Bitcoin transfer, ayon sa Lookonchain. Sa data ng Arkham Intelligence, may natira na lang na halos 1.3 BTC. Pinakamalaking risk dito ang mga DJT shareholders at noteholders, kasi naka-secure ang utang na yan gamit yung parehong amount ng BTC.
Sale ba o Lipat Lang ng Collateral ang Ginawang Transfer ng Trump Media ng Bitcoin?
Sa June 30 filing ng Trump Media, nakalista ang 4,260.73 BTC na ginawang collateral para sa convertible notes, kung saan pwedeng i-convert ng mga debt holders ang note sa shares. Pero ayon sa loan terms, bawal mag-withdraw ng collateral hangga‘t ’di pa natutupad ang conditions, o hanggang Mayo 2028 pinakamatagal.
Is Trump Media dumping $BTC?
Trump Media transferred 4,259 $BTC ($343.67M) to https://t.co/uXlOLXEpBd 40 minutes ago.https://t.co/b8FnEmGpPh pic.twitter.com/A3yEfMmhuf
— Lookonchain (@lookonchain) November 5, 2026
Dahil doon, mukhang malabo ang mabilisang bentahan ng BTC. Pero isa kasi ang Crypto.com sa dalawang nagca-custody ng Bitcoin treasury ng kumpanya, kaya posible lang na naglipat sila ng custody.
Hindi automatic na sale kapag may deposit sa exchange, kasi noong May, nag-transfer din sila ng 2,650 BTC papunta sa Crypto.com.
Baka rin may mga wallet na hindi lang natag ng Arkham, kasi nag-report ang kumpanya ng 9,477 BTC noong June 30.
Ang Bitcoin na yan ay may cost basis na $1.01 billion, pero market value na lang nito ay nasa $557 million.

Ngayon, ipinapakita ng Arkham na mahigit 1 BTC na lang ang hawak ng Trump Media. Source: ArkhamBakit Importante ang November 30 Pagkatapos ng Midterms?
Puwedeng mag-demand ng cash yung mga noteholder sa araw na ‘yon. Malabo naman na mag-convert sila sa shares kasi para mangyari ’yon, dapat umabot sa halos $34.72 ang presyo per share — pero nung Wednesday, bagsak siya sa all-time low na $4.49.
Sa ngayon nasa $425 million lang ang cash at short-term investment ng kumpanya, malayo sa halos $1 billion na convertible notes.
Sa kasalukuyan, kontrolado na ng Democrats ang parehong chamber, at planong i-review ng House Oversight Committee ang crypto deals ng Trump family. At pinag-uusapan na rin ng House Democrats ang crypto bill na malamang magdadagdag ng restrictions sa crypto business ni Trump.
Kaya kung manatili sa record low ang DJT, mas pipiliin ng noteholders ang cash imbes na shares, na pwedeng magdulot ng pressure sa BTC collateral nila. Pagka merong nagbago ng custodian o maagang nag-refinance, babawasan nito ang risk na yan.

Mabilis ang pagbaba ng DJT nitong mga nakaraang araw. Source: Trading View
Hanggang sa susunod na quarterly filing, ang transfer na ‘to ay proof lang na may galawan, hindi pa klaro kung ibebenta ba nila o hindi ang Bitcoin. Malalaman na lang natin kung sapat ang hawak nilang Bitcoin na galing sa convertible debt para sagutin ang cash demand — at ’di maging forced to sell.

