Malapit na sa All-Time High ang Oil Price—Sunod na Bang Magbagsakan ang Stocks at Crypto?

abstrak:Tumaas ang oil prices lagpas $117 habang stocks at crypto dumadami ang risk. Kung mag-strike ulit ang US sa Iran after midterms, pwede bang mag-crash ang market?

Pumapalo na ulit pataas ang presyo ng oil at malapit nang marating ang yearly high nito — at lalo lang pinapa-init ang sitwasyon ng financial markets. Hirap na nga ang Wall Street ngayon, biglang bagsak pa ang Bitcoin, tapos ngayon panibagong threat na naman: posible raw magsimula ang bagong gulo ng US laban sa Iran pagkatapos ng midterm elections.

Umabot sa $117.42 per barrel ang Brent crude noong Biyernes, October 23 — ito na ang pinakamataas na presyo simula pa April. Ito yung mga dahilan kung bakit:

  • Biglang umatake ang Iran-backed Houthi forces sa Saudi Arabia.
  • Pinaalis ng Saudi Aramco ang mga tao nila sa headquarters habang lalong umiinit ang bakbakan.
  • May naganap na oil spill malapit sa United Arab Emirates kaya mas kabado ngayon tungkol sa security ng shipping.
  • Pero mas malaki palang concern ay galing Washington. Ayon sa ulat, nag-prepare na raw ang US at Israel ng plano para sa posibleng bagong pag-atake sa Iran — na puwedeng targetin ang energy infrastructure pagkatpos ng November 3 elections.

Nagsabi ang White House na walang pag-atake bago ang eleksyon. Pero kahit may military plans, hindi pa rin sure na tutuloy talaga ang strike.

Bakit Bumabagsak ang Stocks at Bitcoin?

Parang warning shot nung Thursday. Sumadsad ng 2.6% ang Nasdaq, tapos -1.2% ang S&P 500. Bumagsak din ang Bitcoin papuntang $81,400 kasabay ng crypto liquidations na halos umabot sa $441 million.

Pinakaugat ng bentahan, dahil nababahala ang mga tao sa lubhang laki ng gastos para sa AI tech ngayon. Lalo pang dagdag problema yung tumataas na presyo ng oil.

Kapag mas mahal ang energy, mas tumataas ang inflation — kaya baka mapilitan ang Federal Reserve na panatilihin mataas at mahigpit ang interest rates. Mababawasan nito ang kita ng mga kumpanya at mas nawawalan ng gana ang tao sa mga speculative na assets kagaya ng Bitcoin.

Naghalo ang galaw last Friday — bahagyang bumawi ang Nasdaq pero nanghina naman ang Dow.

Bitcoin Volatility nitong OctoberMagpapabagsak ba ng Market ang US Midterms?

May konting good news — kung babalikan ang kasaysayan, ayon sa MSCI, tumataas ng average 12% ang US stocks anim na buwan pagkatapos ng huling 13 midterm elections.

Pero iba ngayon — baka ang pinakamalaking abala ay mangyari pagkatapos ng botohan.

Kung itutuloy ang mga pag-atake sa Iran, baka pumalo ang presyo ng oil lampas $120 at maabot ang yearly peak — at malamang na magkaroon ulit ng bentahan dahil sa inflation. Pero kung titigil ang tensyon, pwedeng lumamig ang presyo ng oil at umangat ulit ang market.

Sa ngayon, parang mas makaka-apekto sa galaw ng stocks at crypto kung anong mangyayari sa Middle East kesa kung sino mananalo sa US Congress.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Bitcoin Kaya Bang Lumusot Sa Weekend O Mas Lalong Bumaha ang FUD Sa Bagsak Market?