Sumipa ng higit 2% ang gold at silver nitong Lunes dahil sa unexpected na progreso sa US-Iran peace talks na nagtulak pababa ng presyo ng oil.Pero nahirapan si Bitcoin at bumagsak sa $76,000 zone.
Ayon sa Reuters, umalis ang Iranian negotiators sa pag-uusap kasama ang Qatari mediators nitong Linggo, pero kumakalat na daw ngayon ang revised peace proposal.
Sabi ng Tehran, pwedeng maipatupad na ang kanilang seven-step plan sa loob lang ng dalawang araw — baka magbukas ulit ang Strait of Hormuz kung tatapusin ng Washington ang blockade sa Iranian ports.
Kinuwento ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi na talagang matindi ang naging consultations nila.
Pero tinanggihan ni Trump yung naunang proposal at sabi ng mga Iranian sources, mas malaki parin chance na umatake ulit ang US kaysa mag-agree sila.

Bakit pwedeng magpa-lipad ang bagsak na Oil sa Gold at Silver
Bumagsak ng higit 6% ang oil kasunod ng diplomatic developments. Nag-recover ang gold matapos ang pinakamasaklap nitong October mula 2008, habang nabawi naman ng silver ang $50 level.
May isang estimate sa market na nagsa-suggest na umabot sa $428 billion ang paper gains sa golds rebound dati, pero hindi ito fresh investment.
Ipinapakita ng mga galaw na posibleng oil na ngayon ang nagiging malaking short term driver ng presyo ng precious metals.
Kasi kapag mas mura ang energy, nababawasan ang inflation worries kaya mas luluwag ang pressure sa Federal Reserve na magtaas ng interest rates. Kapag in-expect ng mga tao na hindi agad tataas ang rates, mas attractive ang gold dahil hindi malaki ang mawawala sayo na interest income kapag naghahawak ka nito. Parehong benefit ang nakukuha ng silver sa ganitong environment.
Kaya kung magtatagal ang Iran deal, malakas ang chance na magtuluy-tuloy ang recovery ng gold at silver— basta tuloy ang bagsak ng oil, at humina rin ang expectations ng rate hike.
Pero hindi automatic ang relationship na yan. Malaki pa rin ang epekto ng galaw ng bond yields at ng US dollar.
BREAKING: Over $430 BILLION has been added to gold and silver after Irans Supreme Leader authorized the government to advance negotiations with the US to end the war. pic.twitter.com/aYmMUjUNAE
— Bull Theory (@BullTheoryio) November 2, 2026
Sa ngayon, may 77% probability pa rin ang market na magtaas ng Fed rates sa December.
Samantala, nagbato ng akusa si gold advocate Peter Schiff kay Trump na minamanipula daw nito ang oil prices, pero walang ibinigay na matibay na ebidensya.
Bakit Naiiwan si Bitcoin sa Rally
Halos walang permanenteng reaction si Bitcoin sa mga naunang peace signal. Bukod pa doon, nagre-recover pa ito mula sa $6.3 billion Binance hack, tapos sunod pa yung $643 million na Bitcoin ETF outflows.
Tantya ng Glassnode na pumasok ang mga ETF at corporate na Bitcoin buyers sa average price na mga $80,000 hanggang $81,500.
Dahil nasa ilalim ngayon doon ang presyo ng Bitcoin, maraming holders ang may mga unrealized losses, kaya mas matindi ang pressure sa market na medyo kabado na.
Mga Dapat Bantayan ng Crypto Investors
- Negotiations ng Iran:Posibleng pumababa pa ang oil kung magkasundo sila, pero kung sundan ng bagong military strikes, pwedeng baliktarin nito ang trend.
- US midterm elections sa Tuesday:Malaki ang posibleng epekto ng resulta sa kung paano gagalaw ang Washington tungkol sa Iran. Basahin dito.
- US jobs report sa Friday:Kapag malakas ang hiring, maaaring lumakas pa ang expectation ng rate hike ng Fed at mabahala ang recovery ng gold at silver.

