3 Token Unlock Na Dapat Abangan sa Ikalawang Linggo ng September 2026

abstrak:Mga nasa $325.6 million na tokens ang ma-u-unlock ngayong linggo. Ito ang mga dapat i-watch ng APT, LINEA, at CHEEL holders.

Nasa $325.6 million na halaga ng mga token ang papasok sa crypto market sa ikalawang linggo ng September 2026. Ilan sa malalaking project na magri-release ng panibagong tokens ay sina Aptos (APT), Linea (LINEA), at Cheelee (CHEEL).

Puwedeng magdulot ng matinding price swings ang mga token unlocks na ito, lalo na sa short term. Kaya ito ang mga kailangan mong bantayan.

1. Aptos (APT)

  • Unlock Date:September 11
  • Dami ng Tokens na Iuunlock:11.31 million APT
  • Released Supply: 1.74 billion APT
  • Total supply:2.09 billion APT (Y2035)

Ang Aptos ay isang Layer-1 blockchain platform na ginawa para maging scalable, secure, at mas mabilis para sa mga decentralized apps (dApps) at Web3. Ginagamit nito ang Move programming language kaya possible ang mabilis na transactions at smart contract execution.

Magri-release ang Aptos ng 11.31 million tokens sa September 11. Ang halaga ng mga token na ito ay nasa $7.09 million o 0.65% ng released supply.

APT Token Unlock sa September. Source: Tokenomist

Ipa-premyo ng team ang 3.96 million APT sa mga core contributor. Para naman sa community, 3.21 million tokens. Sa mga investors, 2.81 million tokens. Bukod pa dito, maglalaan ang Aptos ng 1.33 million tokens para sa foundation.

2. Linea (LINEA)

  • Unlock Date:September 10
  • Dami ng Tokens na Iuunlock:960.13 million LINEA
  • Released Supply: 31.92 billion LINEA
  • Total supply:72.01 billion LINEA

Ang Linea ay isang zkEVM Layer-2 scaling solution para sa Ethereum (ETH). Sa network na ito, mabilis at mura ang transactions habang compatible pa rin sa Ethereum tools at siguradong secured.

Magbibigay sila ng 960.13 million tokens na valued ng mga nasa $2.75 million sa September 10. Ang unlock na ito ay 3% ng released supply.

LINEA Token Unlock sa September. Source: Tokenomist

Ihahati ng Linea ang 480.07 million tokens para sa Linea Consortium (long-term alignment), at 480.07 million LINEA naman para sa Linea Consortium (Ignition).

3. Cheelee (CHEEL)

  • Unlock Date:September 13
  • Dami ng Tokens na Iuunlock: 6.42 million CHEEL
  • Released Supply:813.4 million CHEEL
  • Total supply:1 billion CHEEL

Ang Cheelee ay isang SocialFi hybrid platform kung saan may reward na LEE tokens sa mga nanonood ng short videos. Pinagsasama nito ang usual na social media features at blockchain-based rewards. Yung CHEEL token ay ginagamit para sa governance, content promo, at ads sa platform.

Iuunlock ng team ang 6.42 million tokens sa September 13. Nasa $2.24 million ang value nito at 0.79% ng current released supply.

CHEEL Token Unlock sa September. Source: Tokenomist

Magre-reserve ng 3.4 million tokens ang Cheelee para sa reserve fund. 2.78 million tokens naman para sa team. Para sa advisors, may tig-208,330 altcoins. At irereserba rin ng team ang 27,780 tokens para sa private round.

Bukod sa mga ito, may mga ibang matitinding token unlocks din na puwedeng abangan ng mga investor sa ikalawang linggo ng September gaya ng peaq (PEAQ), Babylon (BABY), Movement (MOVE), at iba pa.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Nagkakagulo McDonalds India, Habang Target ng Wall Street Umangat ng 24% ang Stock

Susunod

Babagsak Ba ng 50% ang Bitcoin Dahil sa AI? Eto ang Sabi ni Vitalik Buterin