Cash Cat Binalikan ang Korona ng Robinhood Chain Pagkatapos ng Q2 Earnings Call

abstrak:Cash Cat (CASHCAT) melonjak hampir 16% dalam 24 jam dan merebut kembali posisi tertinggi sebagai token terbesar di Robinhood Chain berdasarkan kapitalisasi pasar, didorong oleh earnings call Q2 Robinhood yang melaporkan pendapatan rekor $1,3 miliar dan pendapatan kripto $100 juta. CEO Vlad Tenev secara tidak sengaja menampilkan CASHCAT di riwayat pencariannya saat demo aplikasi, memicu kenaikan harga. Meskipun sempat turun 47,2% dan kehilangan posisi dari Pons (PONS), CASHCAT kini kembali unggul dengan volume perdagangan 24 jam mencapai $28,2 juta—empat kali lipat dari PONS. Namun, token ini masih 79% di bawah level tertingginya di $0,228, meninggalkan pertanyaan apakah permintaan dapat bertahan setelah euforia laporan pendapatan mereda.

Tumaas ng halos 16% ang Cash Cat (CASHCAT) sa loob ng 24 oras at nabawi ulit ang top spot bilang pinakamalaking token sa Robinhood Chain base sa market cap, pagkatapos ng earnings call ng kumpanya para sa Q2.

Dahil dito, nalampasan ulit ng CASHCAT ang Pons (PONS), na siyang nangunguna habang bumababa ang CASHCAT buong July. Sa kabila nito, mas malaki pa rin ang trading volume ng CASHCAT kumpara sa lahat ng iba pang asset sa network.

Anong Nangyari sa Robinhood Earnings Call?

Ini-report ng Robinhood na umabot sa record high na $1.3 billion ang revenue nila noong July 29, tumaas ng 32% kumpara sa nakaraang taon. Nag-hit ng $0.62 ang earnings per share nila. Dinagdagan pa rito, umabot sa $100 milyon ang revenue mula sa cryptocurrency transactions.

Habang ongoing ang call, pinakita ni Tenev yung Robinhood apps kasama ang stock tokens gamit yung phone niya. May mga trader na nakakita na kasama ang CASHCAT sa mga recent search niya. Agad umakyat ang presyo ng token pagkatapos nito. Pinag-usapan din niya ang Robinhood Chain sa call na yon.

“Sa totoo lang, ginawa talaga namin yung Robinhood Chain para mas maging bagay sa mga real-world asset. Pero linawin ko lang, mahilig din ako sa memes,” sabi ni Tenev sa call na iyon.

I-follow kami sa X para lagi kang updated sa pinakamainit na crypto news

Nabawi ng CASHCAT ang Top Spot Matapos Bumagsak ng 47%

Nakuha ng CASHCAT ang pangalan niya mula sa dating working title na ginamit ng Robinhood bago mag-rebrand. Una itong nag-rally matapos mag-live ang chain noong July 1. Umabot pa ang token sa mahigit $200 million na market cap bago ito nag-sideways.

Bumagsak ng mga 47.2% ang token sa loob ng nakaraang dalawang linggo. Nakuha ni PONS ang trono bilang pinakamalaking token sa chain base sa market cap. Pero baliktad na uli ngayon ang sitwasyon. Sa ngayon, nagtetrade ang CASHCAT malapit sa $0.0469, tumaas ng 16% ngayong araw.

Performance ng Presyo ng Cash Cat (CASHCAT). Source: BeInCrypto Markets

Si CASHCAT pa rin ang may pinakamaraming trades sa network. Simula launch, umabot na ito sa 1.57 million trades galing sa 51,638 unique na trader. Nasa $890.5 million na ang total volume base sa Dune data.

Yung $28.2 million ng CASHCAT sa loob ng 24 oras, apat na beses pa ang laki kumpara sa PONS na nasa pangalawang pwesto, na may $6.3 million na trades.

Pero nasa 79% pa rin ang layo ng CASHCAT mula sa record high na $0.228 noong July 11. Ang malaking tanong ngayon, matibay pa rin kaya ang demand kahit matapos na yung hype galing sa earnings report?

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Nag-appoint ng Bagong Board Member ang Ethereum Foundation—Ano Kaya ang Gagawin Nya para sa ETH?

Susunod

Anong Pwede Mangyari Habang Bumababa ang US GDP at paboritong inflation gauge ng Fed Ngayon