Anim na linggo matapos muntik masunog ang fund niya dahil sa AI stocks, bumalik ulit si Leopold Aschenbrenner sa pagtaya sa parehong mga kumpanya. Ayon sa CNBC, bumili ang hedge fund niya na Situational Awareness ng call options sa AMD, Bloom Energy, CoreWeave, SK Hynix, at SanDisk. Nagsimula ang mga trade nito mula noong huling bahagi ng nakaraang linggo hanggang ngayong linggo.
Naging sikat ang dating OpenAI researcher dahil sa 2024 essay niya na nagsa-suggest na pwede nang umabot sa human-level intelligence ang AI ng 2027. Nagtayo siya ng sariling investment business base sa paniniwala na yan, kaya sumusuporta siya sa mga kumpanyang nagbibigay ng computing power at kuryente na kailangan ng AI.
Noong July, kitang-kita kung gaano ka-delikado ang taya niya. Lalo pang bumagsak ang shares dahil sa paggamit ng hiniram na pera, kaya napilitang maglabas ng cash yung fund pero di na nila kayanin. Galing sa lampas $45 billion, bumaba na lang sa nasa $10 billion ang assets base sa CNBC.
Leopold Aschenbrenners Situation Awareness has reportedly been active in the options market while building significant stakes in $CRWV, $SNDK, $BE and $AMD.
Hes leaning right back into the AI trade after blowing up the fund earlier this year.
— Shay Boloor (@StockSavvyShay) September 11, 2026
Gaano Kalaking Bagsak ang Inabot ni Leopold Aschenbrenner Noong July
Bumili ang Citadel ni Ken Griffin ng mga distressed holdings nila sa mas mababang presyo. Pero napanatili pa rin ng Situational Awareness yung mga private investments nila katulad ng Anthropic. Sinubpoena naman ng SEC ang ilang Wall Street banks kaugnay sa dealings nila sa fund, pero wala namang kasamang paratang.
Sa pagbabalik niya, gumamit siya ng call options — ito yung mga kontrata na pwede kang bumili ng shares sa fixed na presyo bago mag-expire ang deadline. Kapag binayaran mo agad nang walang hiniram na pera, hanggang halaga ng purchase lang din ang puwedeng mawala. Pero tandaan na pwede pa rin masunog ang buong halaga mo kapag nag-expire ng walang kwenta yung options.
Dahil sikat na mga kumpanya ang tinatayaan niya, naging usapan uli ito sa market. Noong Friday, nagpost si CNBCs Jim Cramer sa X:
“May nagpapabagsak sa lahat ng Situational stocks!”
Gaano Kalaking Bagsak ang Inabot ni Leopold Aschenbrenner Noong July
Magkakahalo ang naging galaw noong Friday: halos 7% ang tinaas ng Bloom at malapit 3% naman ang AMD, pero bumaba naman ang SanDisk at CoreWeave.
Kapansin-pansin din na mas marami pa rin ang outstanding put options ng AMD kaysa sa calls, pero madalas ginagamit yan ng mga investor para protektahan yung hawak na nila.
Hindi pa klaro kung ginagamit ni Aschenbrenner ngayon yung natitirang pera ng fund o kung may bagong pumasok na investor. Ang sigurado, tumataya na naman siya sa mga kumpanyang nagdadala ng AI boom gamit ang contracts na may takdang panahon bago ka kumita.
Performance ng Stocks ng AMD, BE, CRWV, at SNDK. Source: TradingView
Follow kami sa X para lagi kang updated sa mga latest crypto happenings.

