Roman Storm, 2027 pa Uulitin ang Tornado Cash Kaso

abstrak:Ini-move ng US judge sa April 2027 ang retrial ni Roman Storm ng Tornado Cash, habang pending pa rin ang acquittal motion niya.

Inurong ng isang federal judge ang muling paglilitis kay Roman Storm (dev ng Tornado Cash) sa April 26, 2027, habang hinihintay pa ang desisyon sa hiling niyang ma-acquit o ma-abswelto sa kaso.

Pinirmahan ni Judge Katherine Polk Failla ang dalawang pahinang order nitong August 25 sa Southern District of New York. Si Storm mismo ang humiling ng delay ng trial, hindi ang mga prosecutor.

Bakit Na-move sa 2027 ang Retrial ng Tornado Cash?

Hiningi ni Storm sa korte na sa late April 2027 na mismo gawin ang trial, base sa order ng judge. Pinayagan ito ni Failla, dahil nakabinbin pa ang pending niyang motion na ma-acquit. May nakasalang pa kasi siyang Rule 29 motion for acquittal o hiling na ibasura ang guilty verdict laban sa kanya. Ayon sa mga abogado ni Storm, kulang ang ebidensya na ipinresenta ng prosecution para maituring siyang guilty.

Sa ngayon, sinuspinde muna ng judge ang bilangan ng oras sa ilalim ng Speedy Trial Act hanggang April 26, 2027. Ang Speedy Trial Act ay batas sa US na nagre-require na madala agad sa korte ang isang defendant sa loob ng itinakdang oras—hindi pwedeng patagalin nang basta-basta ang kaso.

“Makakatulong sa hustisya kung sususpendihin ang oras base sa Speedy Trial Act hanggang April 26, 2027, at ang magiging benepisyo nito ay mas matimbang kumpara sa interest ng publiko at ni Storm na magkaroon agad ng retrial,” ayon sa order.

I-follow kami sa X para mabilis kang makuha ng mga crypto update

One thing before I start: everything in this post is public information from my own docket. None of it is new, and I'm not revealing anything you can't already find in the court filings yourself.

The retrial just got pushed to April 26, 2027. The order came down today (Dkt.…

Kasabay nito, inayos din ni Failla ang pretrial schedule. Yung mga expert disclosure ng gobyerno ay due sa February 5, 2027, habang yung para sa defense ay March 5, 2027 dapat isubmit.

Yung Daubert motions at motions in limine ay due sa March 30, 2027. Naplano na rin ang final pretrial conference sa April 20, 2027.

Noong August 6, 2025, hinatulan ng jury sa Southern District of New York si Storm ng guilty dahil umano sa sabwatang pagpapatakbo ng isang unlicensed money transmitting business. Sinubukan ng mga prosecutor na ituloy pa ang retrial para sa dalawa pang unresolved na charges, at nagpropose sila na sana ay magsimula na ito ng October 2026.

Mag-subscribe sa aming YouTube channel para sa exclusive na crypto insights galing sa mga industry expert at journalist

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Starbase Louisiana, Target ng SpaceX Gawing Pinakamalaking Launch Site—$100B ang Pusta