Matatapos na ba ang Memory Chip Boom sa Korea? Elon Musk, China ang Tinuturong Dahilan

abstrak:Expect ni Elon Musk na marami nang RAM ang gagawin ng China sa 2028, habang may warning mula sa Korean column na sobra-sobra na ang chips pagdating ng 2029. Ito ang dapat abangan.

Sinabi ni Tesla CEO Elon Musk na gagawa raw ang China ng “sobrang daming RAM” pagsapit ng 2028. Nagdadagdag ito ng bago pang issue sa mga supply worries, matapos maglabas ang isang South Korean column ng babala tungkol sa posibleng oversupply ng memory chips mula 2029.

Kakaiba talaga yung timing. Habang sunod-sunod ang record profits ng mga Korean chipmaker, sinasabi sa column na may dalawa o tatlong taon na lang ang bansa para magtayo ng panibagong mga industriya ng paglago.

Bakit Delikado ang Oversupply ng Memory Chip Para sa Ekonomiya ng Korea?

Lumabas ang column na ito sa Maeil Business Newspaper, isa sa mga nangungunang financial news sa South Korea. Dito, sinabi na sobrang nakaasa na ang ekonomiya ng Korea sa Samsung Electronics at SK Hynix.

Ang sobrang pagtutok sa dalawang kumpanya, ayon sa writer, nagiging risk para sa Korea kapag nag-fade na ang hype. Sabi pa sa column, puwedeng mangyari ang oversupply ng memory chips bandang 2029 kapag nag-umpisa nang mag-operate ang mga bagong production plants.

A financial column published in South Korea now warns of memory oversupply in 2029, after new capacity comes online.

They argue Korea has only 2-3 years to develop new growth industries before the cycle potentially reverses.$DRAM $MU $SKHY $EWY pic.twitter.com/eDjrPVYa9p

— P Equity Research ???? (@pequityresearch) October 15, 2026

Ipinapakita ng Gartner data kung gaano na kalaki ang risk. Sabi ng research firm, aabot sa $837 billion ang memory revenue sa 2026 — halos 54% ng total global semiconductor sales. Noong 2025, nasa 27% lang yan, at ang rason ng biglang pagtaas ay dahil sa taas ng presyo.

Global Memory Chip Revenue Forecast. Source: BeInCrypto

Pero kahit ganun, tingin ng Gartner na tight pa rin ang supply sa 2027, kahit may dagdag na production na papasok.

Matagal na ring pinag-uusapan yan sa Seoul. Mismong Bank of Korea, tinawag nang problema sa financial stability ang AI chip trade.

Malalampasan ba ng Chinese RAM ang Pag-Diversify ng Korea?

Shinare ni Musk ang summary ng column sa X na may one-liner lang na reply. Hindi niya sinabi kung anong Chinese companies ang posibleng mag-lead dito.

China will be making a LOT of RAM in 2028 https://t.co/RiBFTe6JIC

— Elon Musk (@elonmusk) October 15, 2026

Samantala, yung Chinese rival na ChangXin Memory Technologies (CXMT) nag-reveal din ng progress sa paggawa ng mas dense na DRAM design. Dahil dito, naapektuhan ang shares ng Samsung at SK Hynix, na halos kalahati ng total KOSPI. Sa Q1 pa lang, hawak na ng CXMT ang mga 8% ng global DRAM revenue, sabi ng Counterpoint Research.

Pinuri rin ni Musk ang kontrol sa presyo ng Micron, na nagsa-suggest na tutok siya ngayon sa cost ng memory chips.

Sa ngayon, mas mataas pa rin ang demand kaysa supply. Sabi nga ng Gartner, baka mag-cross pa ng $1 trillion ang memory revenue sa 2027.

Pero kung mag-scale up agad ang Chinese output sa 2028, baka magsimula ang oversupply ng memory chips nang mas maaga pa sa inaasahan ng column. Mas liliit pa lalo ang panahon ng Korea para mag-diversify.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Trezor Wallet Gumalaw nang Matindi sa Supply Chain Para Masigurado ang Security

Susunod

Sabi ng Bitwise CIO na si Matt Hougan, Lamang Parin ang Bitcoin Kahit Anong Mangyaring Ekonomiya