Raydium Umabot sa 11-Buwan High—Tatlong Dahilan Bat Nag-Rally ng 90%

abstrak:Umangat ng 90% ang RAY, umabot sa 11-month high dahil sa launch ng StonkFun, record buybacks, at pagtaas ng Raydium volume sa tokenized stocks.

Lumipad ang presyo ng Raydium (RAY) at umabot sa pinakamataas nito sa loob ng 11 buwan ngayong Friday. Mula ito sa isang matinding 90% na takbo sa nakaraang linggo, na naglagay dito bilang pangalawang pinakamalakas na performa sa top 300 cryptocurrencies.

Habang bumagsak ng 3.9% ang mas malawak na crypto market nitong nakaraang linggo—kasama ang Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH), at XRP (XRP) na pare-parehong bumaba—umangat naman ang Solana DEX token na RAY.

Mukhang Tumakbo ng Mabilis ang RAY Token Kahit Bagsak ang Market

Ranked na pang-117 ang RAY base sa market cap, at tumaas pa ito ng 14.67% sa nakaraang 24 oras lang. Umabot pa ng $1.75 ang presyo sa loob ng isang araw.

Pinakamataas na price na ito ng RAY simula late October 2025. Tanging ang STONK (STONK) meme coin, na lipad ng 1,220.8% ngayong linggo, lang ang may mas malakas na weekly gain sa top 300.

Karamihan ng mga token sa Solana ecosystem ay sumabay sa pagbaba ng market ngayong linggo, pero si RAY na lang ang naiwan na outlier o kakaiba.

Raydium (RAY) 7-day Price Chart. Source: BeInCrypto Markets

I-follow kami sa X para lagi kang updated sa latest balita

3 Rason Kung Bakit Lumipad ng 90% ang RAY

Ayon sa CoinGecko, tatlong main factors ang nagtulak sa rally na ito. Noong September 6, in-announce ni StonkFun na lahat ng bagong token deployment dadaan na ngayon sa Raydiums LaunchLab.

Dahil dito, bumaba ang deployment cost mula 0.29 SOL pababa sa 0.03 SOL na lang. Nag-upgrade din ang Raydium ng kanilang LaunchLab ngayong buwan.

Maliban dito, nagconduct ng buyback ang Raydium at bumili ng $640,788 worth ng RAY noong September 9. Sa data ng Messari, ito na ang pinakamalaking daily buyback mula pa noong February 2025. Base sa protocol, 12% ng fees napupunta sa pagbili ng RAY tokens.

Raydium buybacks recorded their highest level since February 2025.

solana:4k3Dyjzvzp8eMZWUXbBCjEvwSkkk59S5iCNLY3QrkX6R pic.twitter.com/fHzjMlVe2s

— Messari by Blockworks (@MessariCrypto) September 9, 2026

Ang third catalyst ay mula sa tokenized equities. Noong September 10, inilista ng Backpack Securities ang Grindrs GRND token at umabot agad sa $11 million ang trading volume nito sa loob ng isang oras.

May higit 15 stock tokens gaya ng Boeing, Costco, at Roblox na nag-live din sa Backpack at Sunrise ngayong linggo.

Kaya naman habang tumataas ang fee revenue, lumalaki din ang buybacks. Pero ang tanong, magtatagal kaya ang hype sa launch flow ng StonkFun at stock-token trading kapag humupa ang speculation?

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Nvidia CEO Jensen Huang: “AI Cybersecurity Panic, Para Lang sa Bentahan”

Susunod

Kada Bumili ka ng Dalawang iPhone, $250 ang Napupunta sa Samsung