Tumaas ang buying pressure ng XRP sa Binance sa pinakamataas na level nito sa loob ng tatlong buwan, ayon sa CryptoQuant. Nangyari ito bago pumasok ang November, na historically isa sa pinaka-divided na buwan para sa XRP.
Habang parami nang parami ang mga whale na nag-accumulate, naglabas na ang mga chart analyst ng mga level na posible magdikta ng next move ng price ng XRP.
Ano ang Ipinapakita ng Binance Taker Buy/Sell Ratio Para sa XRP
Ang Taker Buy/Sell Ratio ay nagko-compare ng market buy orders at market sell orders. Kapag lumampas sa 1 ang reading, ibig sabihin mas agresibo ang mga buyer kaysa sa mga seller. Sa madaling salita, mas marami ang nagbabayad ng presyo imbes na kumagat lang sa bid price.
Sa Binance, umakyat ang ratio ng XRP sa nasa 1.076, na siyang highest level sa loob ng tatlong buwan, ayon kay CryptoQuant analyst Arab Chain. Malaki ang ipinagbago nito kumpara sa mga naunang readings na laging below 1.
I-follow kami sa X para sa pinaka-latest na crypto news

Naabot ng XRP Buying Pressure ang Three-Month High sa Binance. Source: CryptoQuant
Pero nagbigay-babala si Arab Chain na hindi lang ratio ang basehan para masabing tuloy-tuloy na ang pagbalik ng uptrend. Kailangan pa rin ng suporta mula sa price action, volume, at dapat mag-stay above 1 ng reading.
Sinabi rin ng analyst na si Versan Aljarrah na ngaun lang muli hawak ng mga XRP whale ang pinakamalaking percentage ng supply simula late 2022. Kitang-kita ang accumulation kahit hindi masyadong gumagalaw pataas-baba ang presyo.
Ngayon, nagte-trade ang XRP sa $1.29 ayon sa BeInCrypto data. Bumaba ang token ng mga 14% sa huling 30 araw at halos 30% na ang bagsak nito simula simula ng taon.

Performance ng Presyo ng XRP. Source: BeInCryptoKaya Bang Lumaban ng XRP sa $1.25 at Lumaagpas Hanggang $2.10?
Nakita ni analyst Ali Martinez na baka may inverse head-and-shoulders pattern sa daily chart ng XRP. Tatlong “troughs” ang makikita dito, pinakalalim sa gitna. Kadalasan, kapag confirmed ang pattern na to nag-si-signal ito ng possible bullish trend reversal.
Nasa $1.25 ang key support. Kapag nadipensahan ito ng mga buyer, pwedeng mag-push ang XRP paakyat hanggang sa “neckline” sa may $1.55. Kung mag-close above doon, target naman ang $2.10. Pero kung mabasag ang $1.25 pababa, posible pang bumagsak sa mga $0.98.
Samantala, humihina na rin ang demand para sa spot XRP ETFs. Nitong October, nasa $10.9 million pa lang ang net inflows — at mukhang ito na ang pinakakonting positive month simula nag-launch, base sa datos ng SoSoValue data.
Papasok ng November, itong mahina na institutional demand pwedeng makahadlang sa posibleng rebound. Pero kung tataas uli ang inflows ng ETF, may chance ma-test ng XRP ang “neckline”.

Kabuuang XRP Spot ETF Net Inflow. Source: SoSoValueBakit Mainit Lagi ang November Para sa XRP
Sa mahigit isang dekadang data, kadalasan nag-a-average ang XRP ng around 80% return tuwing November. Pero nangyari lang yan dahil sa ilang taon na sobrang taas ang lipad ng presyo.
Halimbawa, sumipa ang XRP ng 531.9% noong November 2013, 130.4% noong 2014, at 178.3% noong 2020. Pero kung titingnan ang median return, negative pa nga sa -10%. Kaya grabe talaga ang difference kapag may biglang sumabog ang gain sa iilang taon lang, kaya naiba ang average overall.
Sa mga nakaraang taon, bearish ang trend. Mula 2021 hanggang 2025, halos puro bagsak tuwing November. 2023 lang ang may kahit maliit na gain. Pero ngayong taon, mukhang may nabubuong kakaiba dahil sa whale accumulation at mas lakas na buying pressure — baka magdala ito ng plot twist.
Mag-subscribe sa YouTube channel namin para mapanood ang expert crypto insights at analysis ng mga kilalang leader at journalist

Monthly Returns ng XRP. Source: CryptoRank
Kaya magiging matindi ang mga susunod na session. Kung magtutuloy-tuloy ang buy pressure at tataas pa ang volume, posible talagang tumaliwas sa trend ang XRP. Pero kung hindi, base sa history ng November, mas maganda mag-ingat.

