Sabi ni Robert Kiyosaki, Mas Malalang Crash Kesa 2008 Nangyayari na—Gaano Kadalsi Tama ang Predictions Nya?

abstrak:Nag-warning si Robert Kiyosaki ng mas malalang crash kaysa 2008. Chineck namin history ng predictions niya vs S&P 500—gaano siya kadalas tama?

Sabi ni Robert Kiyosaki na nagsimula na ang crash na “mas malaki pa kaysa 2008.” Si Kiyosaki, ang author ng “Rich Dad Poor Dad,” ay bumibili ngayon ng physical gold, silver, Bitcoin (BTC), at Ethereum (ETH) para makaraos sa pinaniniwalaan niyang bagsak ng merkado.

Pamilyar na yung mga sinisisi niya — ang Fed, Washington, at BlackRock daw ang “nagnanakaw sa yaman natin”. Ang basehan niya? Record niya mismo. Pero, gaano nga ba ka-accurate ang record niya?

Masusing Pagtingin sa Bago Niyang Babala

Sa isang mahabang post sa X, sinabi ni Kiyosaki na malapit nang magsimula ang “Big Print” kung saan sobrang dami ng bagong pera ang ipi-print daw ng US. Ayon sa kanya, $1 trillion daw ang pini-print ng US kada 90 days at $49 trillion na daw ang utang ng bansa.

Ayon sa mga official records ng Treasury, $40.71 trillion lang ang utang noong November 19 — malaki pa rin pero kulang ng $8.3 trillion kumpara sa sinasabi ni Kiyosaki.

Hindi rin masyadong gumagalaw ang money printing lately. Ayon sa data ng St. Louis Fed, steady lang sa $6.74 trillion ang balance sheet ng Fed mula pa August.

Pinayuhan din niya ang followers niya na wag mag-invest sa exchange-traded funds (ETF) at mas okay daw kung actual na gold, silver, Bitcoin, at Ethereum mismo ang hawak mo. Diretso rin siyang nagsabi kung ano ang posibleng mapala niya rito.

“Sana maling hinala lang ito… pero kung tama ako… gold, silver, Bitcoin, Ethereum ang magdadala sa ‘kin sa ’ultra rich category.” ayon sa post ni Kiyosaki sa X.

Crash Na Parang Laging Na-move ang Petsa

Sa libro niyang “Rich Dads Prophecy” noong 2002, sinabi niya na mangyayari ang matinding crash bandang 2016. Pero noong 2016, tumaas ng higit 10% ang S&P 500. At simula nung taon na yun, triple pa ang inangat ng index.

Sinabi rin ni Kiyosaki na magkakaroon ng crash noong October 2021, pero tumaas pa ng 7% ang stocks nung buwan na yon.

Noong December 2023, sinabi niya na baka magsimula na ang pinakamalaking crash sa history. Pero pagpatak ng 2024, lumipad pa ng 27% ang stocks.

Pagsapit ng May 2024, in-announce naman ni Kiyosaki na nagsimula na raw ang crash. Pero tumaas pa rin ng 16% ang index nu‘ng taon na ’yon.

Noong September, isinawalat niya ulit ang prediksyon. Pero mula noon, 5% lang ang binaba ng S&P 500—kulang pa para matawag na market correction.

Kailan Ba Naging Tama si Robert Kiyosaki?

May mga pagkakataon din naman. Noong March 2023, binanggit niyang maaaring sumunod na magka-problema ang Credit Suisse, at pagkatapos ng ilang araw, niligtas ng UBS ang Credit Suisse.

Yung prediction niya noong 2021, tama rin kahit late. Nalugi ng 25% ang S&P 500 mula January hanggang October 2022.

Totoo rin namang bumabagsak ang markets. Tulad noong February hanggang April 2025, bumagsak ng 19% ang S&P 500. Pero kung taon-taon kang nagsisigaw ng “crash,” darating din talaga ang araw na mangyayari ito.

Iyan ang medyo bitin na math para sa mga followers niya. Kapag masyado kang maaga sa prediction, kawangis lang din ng mali ito. Kaya para sa mga sumusubok mag-trade base sa mga sinasabi niya, timing talaga ang labanan.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Bumagsak ang Trump Meme Coin Dinner Seat—Mula $55K, Nasa $518 na Lang