Ibinibigay mo ba sa isang AI assistant ang banking password mo para lang mag-check ng balance? O para mag-transfer ng pera? Mukhang ilang users ginagawa na ito.
Ayon sa Axios, major US banks nagde-detect na ng mga walang pahintulot na AI agents na nakaka-access sa customer accounts. May ilang pagkakataon pa na nakontak ng AI agents ang mismong bank call centers.
Kabilang sa mga nagre-respond na institusyon ang JPMorgan, Bank of America, Wells Fargo, at Morgan Stanley.
Walang tinukoy ang Axios na confirmed na bank-account losses, pero napatunayan na sa crypto kung gano ka-delikado at magastos kapag na-manipulate ang AI para sa payments.
Na-document ng BeInCryptos State of AI Agent Payments 2026ang dalawang insidente kung saan attackers nag-cause na magpadala ang AI-linked systems ng total $281,200 papunta sa sarili nilang wallet bago pa marecover ang pera.

Pinagmulan: BeInCrypto Research
Noong March 2025, isang attacker ang naka-access sa dashboard ng AIXBT at nag-trigger ng $106,200 na crypto transfer. Tapos, after two months, isang malicious na mensahe mula sa Grok ang nagresulta sa Bankr na magpadala ng $175,000 na tokens. Na-recover daw ng Bankr ang 80% ng mga funds na iyon.
Parehong nangyari ito sa mundo ng crypto. Pinakita nito kung gaano ka-delikado kapag binigyan mo ng access ang software sa totoong pera nang walang sapat na safety net. Malaking tanong pa rin kung dapat ba talagang gawing in-charge ng pera ang AI.
Kung AI ang Naglipat ng Pera Mo, Sino ang Mananagot?
Nagbigay ng babala si JPMorgan CFO Jeremy Barnum sa earnings call nila noong October 13.
Kung ibinibigay ng customers ang kanilang login credentials sa mga agents na gumagawa ng hindi nila gusto, dapat nilang maintindihan na “sagot nila yon,” ayon sa kanya.
Pero, may US Regulation na naglilimita ng liability ng consumer para sa mga unauthorized na electronic transfer basta pasok sa requirements. Pero puwedeng ibalik sa user ang liability kapag kusang pinayagan na mag-transfer nang lampas sa abot ng authority.
Hindi pa malinaw kung papaano ia-apply ang rules na ito sa mga AI agents na gumagalaw ng kusa. Baka dito pa magbase kung mabibigyan ba ng refund ang customer.
Bakit Binablock ng Malalaking Bangko sa US ang mga AI Agent?
Ayon sa pag-aaral ng BeInCrypto, sa 19 AI products at financial workflows na nireview, 14 kaya mag-act sa loob ng authorized na settings na approved ng tao. Meanwhile, 5 sa 7 trading venues na nireview ay malinaw na hindi pinapayagan ang agents na mag-withdraw ng funds.
Gumagawa rin ng similar na restriction ang mga bangko.

Pinagmulan: BeInCrypto Research
Nag-umpisa na raw mag-block ng third-party agents ang Morgan Stanley, habang sina JPMorgan, Bank of America, at Citi rin ay nire-restrict ang access. Sabi ng Morgan Stanley, hindi pa raw sila nakakakita ng rogue agents sa mga platform nila.
May ibang bangko na nagme-move na lang sa read-only access, kung saan puwedeng magbasa ang agents ng financial info pero hindi na pwedeng maglipat ng pera.
Puwede sigurong dumating ang panahon na sanay na ang customers na AI na ang nagha-handle ng finance nila. Pero sa ngayon, malaking tanong pa rin kung sino ang talagang sasagot kapag lumampas sa instructions ang software at mawalan ng pera ang user.

