Kinasuhan ng Baltimore ang prediction market operators na Kalshi at Polymarket, dahil sa pag-operate ng walang lisensyang sportsbook sa lungsod.
Sinampa nina Mayor Brandon Scott at ng City Council ang kaso nitong Huwebes sa Circuit Court ng Baltimore City.
Kinasuhan ng Baltimore ang Kalshi at Polymarket
Sabi ng lungsod, pinapayagan ng parehong platforms ang mga residente na tumaya sa game winners, point spreads, point totals, at player statistics. Ayon sa reklamo, kapareho na ito ng mga produkto na ino-offer ng mga licensed sportsbook.
Tinatawag ng dalawang kumpanya ang produkto nila bilang event contracts. Pero, giit ng Baltimore, para na ring sports betting ang function nito at malinaw na pasok na illegal gambling ito base sa batas ng Maryland.
Dagdag pa ng demanda, dahil walang lisensya ang mga ito, hindi sila kinakailangang magbayad ng tax, magpa-audit, at sundin ang player-protection rules na required para sa mga lehitimong operator.
Sinabi rin ng lungsod na ang paraan ng pag-market ng platforms ay parang sinasabi nilang legal at properly supervised ang serbisyo nila. Sabi ng city officials, nakakaakit ito ng mga baguhang tumataya pati na ng mga sugalero na malaki ang tsansang matalo ng pera.
“Nagpapatakbo ang mga kumpanyang ‘to ng sportsbook nang walang lisensya at umaasang malulusutan ng bagong label lang ang batas. Hindi ’yan mangyayari. Hindi papayag ang Baltimore na unahin ng bilyon-bilyong dolyar na kumpanya ang kita kaysa sa tao at manira ng komunidad namin gamit ang illegal na sugal,” sabi ni Mayor Scott.
Gusto ng lungsod na mapatigil sa pagtanggap ng transactions mula sa mga residente ng Baltimore ang parehong platforms. Humihirit din sila ng civil penalty na aabot hanggang $1,000 bawat araw at bawat violation. Nasa listahan din ng demands ang pagbawi ng kinita at refund para sa mga naagrabyadong users.
“Para sa bawat paglabag sa CPO, at bawat araw ng violation, entitled na magpataw ng civil penalty na hanggang $1,000. Naka-base ito sa Baltimore City Code Art. 2, § 4-4,” ayon sa demanda.
I-follow kami sa Xpara palaging updated sa mga crypto news
Lumalawak pa ang Laban sa Prediction Market sa Ibat Ibang Lungsod at Estado
Nadagdag ang Baltimore sa listahan ng mga lugar na nagsasampa ng kaso laban sa prediction markets. Noong June, kinasuhan din ng Kentucky Attorney General ang Kalshi at Polymarket kasama ang casino game operator na VGW.
Sa Wisconsin, ang Department of Justice ay nagsampa ng kaso sa Dane County nitong April laban sa Kalshi, Polymarket, Robinhood, Coinbase, at Crypto.com. Pinakauna namang umaksyon ang Nevada, na nagpatigil ng operasyon ng Kalshi noong March gamit ang 14-day restraining order.
Samantala, nagsimula ang New York City Council ng imbestigasyon tungkol sa prediction markets nitong Miyerkules. Binigyan ni Speaker Julie Menin ng 14 na araw ang mga platform para ireport ang bilang ng users at kita mula sa lungsod.
Pero nananatiling core defense ng industriya ang federal preemption at epektibo pa rin ito hanggang ngayon. Ang susunod na test ay kung papanigan ng korte ang kautusan ng lungsod kahit may ganitong argumento.
Pati Mga Bangko, Nag-iingat pa Rin
Kasabay ng legal na pressure, nagiging maingat din ang mga malalaking institusyon. Ayon sa Financial Times, itinigil ng JPMorgan ang banking partnership nila sa Polymarket last year dahil sa regulatory issues. Lumipat na ngayon si Polymarket sa ibang lending partner.
Pero kahit naghiwalay na sila ng bangko, may ilang koneksyon pa rin ang JPMorgan sa Polymarket. Halimbawa, inimbitahan pa ng bangko si Polymarket CEO Shayne Coplan na magsalita sa isang conference sa Miami.
Mag-subscribe sa aming YouTubechannel para mapanood ang mga expert opinion ng mga crypto leaders at journalists

