Bagsak ang Oracle Stock Dahil sa OpenAI Revenue Gap—Sino Kaya ang Susunod?

abstrak:Bumagsak ang Oracle stock after lumabas ang $20B revenue gap ng OpenAI, dahilan ng worries. Possible bang next na maapektuhan sina Nvidia, AMD, Broadcom, at CoreWeave?

Lumagpak ng mahigit 5% ang shares ng Oracle nitong Thursday, October 8, matapos lumabas ang isang report na nagdudulot ng bagong tanong kung magkano ba talaga ang kinikita ng OpenAI.

Kumalat ang selloff sa buong AI stocks. Bagsak nang halos 4% ang Broadcom, bumaba ng higit 2% ang Nvidia, at lugi rin ng mahigit 1% ang Microsoft nitong Thursday trading.

Nagsimula ito matapos maglabas ang Financial Times ng report na nagsasabing umaabot na lang sa halos $50 billion ang annualized revenue ng OpenAI sa pagtatapos ng September — malayo ito sa $70 billion na nauna nang naiulat.

Pero, yung $20 billion na diperensya, malaking bahagi niyan ay dahil sa iba-ibang paraan ng pag-compute ng revenue. Hindi ibig sabihin nito na nalugi ng $20 billion sa totoong benta ang OpenAI. In fact, lumago pa raw ng higit 70% ang revenue nila mula July.

This is not a Bitcoin or any crypto chart. It's Oracle stock $ORCL ????

The stock crashed 5% after reports showed OpenAI's annualized revenue was $20 billion below earlier estimates.

Oracle is one of the main infrastructure providers powering ChatGPT.

In September 2025, Oracle… pic.twitter.com/KVCk9F1zIf

— BeInCrypto (@beincrypto) October 8, 2026

Bakit Malaki ang Bagsak ng Oracle Stock?

Malaki na kasi ang inaasahan ng Oracle sa gagastusin ng OpenAI sa hinaharap.

Noong September 2025, nagkaroon daw ng $300 billion na cloud computing agreement ang dalawang kumpanya na tatagal ng limang taon.

Malaki ito dahil nasa 45% ng $664 billion na backlog o contracted future revenue ng Oracle ang covered ng deal na to.

Ang problema, timing. Kailangan munang gumastos ng Oracle ng bilyon-bilyong dollars para sa mga mahal na data center bago pa niya makolekta ang malaking bahagi ng revenue.

Sa pinakabagong quarterly results ng Oracle, umabot sa $28.5 billion ang capital expenditure nila, at $5.4 billion naman na negative free cash flow.

Oracles $300 Billion Deal with OpenAI

Samantala, nireport ng Wall Street Journal nitong Thursday na nagahanap pa ng dagdag na pondo ang Oracle para sa AI chips.

Sabi ng Oracle, “tuloy-tuloy pa ring mas mabilis ang paglaki ng demand sa AI cloud kumpara sa supply.”

Kaya ngayon, nagtatanong na ang investors kung kakayanin bang suportahan ng revenue ng OpenAI ang napakalaki nilang commitments.

Alin Pang AI Stocks ang Pwedeng Sumunod?

Ilang malalaking kumpanya pa ang nasa kaparehong sitwasyon.

  • CoreWeave (CRWV)inanunsyo na may cloud contract silang aabot hanggang $22.4 billion kasama ang OpenAI.
  • Broadcom (AVGO)nagde-develop ng custom AI chips kasama ang OpenAI at reportedly naghahanap ng higit $50 billion na financing.
  • AMD (AMD)may six-gigawatt na chip agreement, at tuloy rin ang Nvidia (NVDA)sa 10-gigawatt na infrastructure partnership nila.
  • SoftBank (9984.T)apektado rin dahil sa multi-billion dollar investment nila sa OpenAI.

Pwedeng mas lalo pang ma-pressure ang mga stocks na to kung bumagal ang growth ng OpenAI. Nakasalalay ang risk nila kung gaano karami sa future business ang na-price in na ng investors.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Binibigyan ng EU ng 3 Buwan ang Mga Exchange Para Itigil ang Mga Stablecoin na Wala sa Lista—Ano Mangyayari sa USDT?

Susunod

Top Cryptographer Nagbabala: AI, Posibleng Mabasag ang Math ng Crypto Wallets