Nagbabalik ang Rakuten Wallet, isang Japanese exchange, na may pa-souvenir na physical coin para sa mga Shiba Inu (SHIB) holder sa isang seminar, kahit na patuloy bumabagsak ang presyo ng meme coin dahil sa pressure mula sa US inflation data.
Pinapakita ng ganitong giveaway na gumagawa ng paraan ang mga established na platform gaya ng Rakuten Wallet para laging aktibo at engaged ang SHIB community, lalo na sa mga offline event.
May Pa-SHIB Coin na Souvenir si Rakuten Wallet sa Japan
Yung physical Shiba Inu coin ng Rakuten Wallet, metal souvenir token lang to na unang ni-launch noong July 2026. Wala itong technical na connection sa blockchain o sa aktwal na SHIB token, kaya collectible item at pang-promo lang talaga ang purpose nito.
Yung July launch kinilala bilang unang ganitong physical Shiba Inu coin. Gumamit pa sila ng sandblasting tech para may kakaiba at unique na finish sa bawat coin kaya talagang stand out sya pagtiningnan.
Hindi na bago ang ganitong promo para sa Rakuten Wallet. Nagbigay na sila dati ng ganyang coin sa isang event sa Fukuoka at plano uli nilang ulitin to sa mga seminar sa Sapporo at Osaka.
Tugma ang ganitong promo sa pattern na ginagawa nila. Supportado ng Rakuten Wallet ang Shiba Inu simula noong ni-add nila ang meme coin sa trading lineup nila noong April, at ngayon pati mga physical souviner, dinadala na nila sa mga face-to-face event.
Kasama na sa “Real Coin” series ng Rakuten Wallet ang Bitcoin, Ethereum, at XRP—at ngayon, pati yung metal na SHIB coin, kasama na rin.
Baka magustuhan ng mga collectors yung design, pero hiwalay pa rin ang coins na ito sa aktwal na token.
Bakit Namimigay ng Metal Coin ang Rakuten Wallet?
Para sa mas solid na engagement. Pinag-partner ng Rakuten Wallet ang educational seminar at madaling ma-claim na reward kaya mas napapalapit sila sa mga meme coin holder kahit walang trading screen involved.
Mabilis lang ang proseso. Kailangan lang ipakita ng participant sa staff yung SHIB holdings nila sa Rakuten Wallet app. Lahat ng makakapagpakita niyan, 100% siguradong may physical coin na makukuha.
Kaso, medyo mahinang balita sa price side. Bagsak ang SHIB ng nasa 2.23% sa loob ng 24 hours, pumalo around $0.00000496.

Shiba Inu (SHIB) Paggalaw ng Presyo. Source: BeInCrypto
Nagsimula yung pag-dip ng SHIB matapos lumabas yung nasa taas na US inflation data na nag-trigger ng worries na baka magtaas na naman ng rates. Tapos, sunod-sunod pa ang pagbaba ng token nitong mga nakaraang araw.

