Trump Kumita Na ng Higit $1M sa Pagbebenta ng Access sa Mga Post Nya sa Truth
Umabot na siguro ng mahigit $1 million ang kinita ng Trump Media mula sa mga trading firm na nagbabayad para makauna sa mga post ni President Trump sa Truth Social, ayon sa kumpirmasyon ng kumpanya nitong Lunes. Mahigit 10 high-frequency trading firm na ang nagsu-subscribe sa service na ito, na tinatawag nilang Truth API. Nagbabayad sila ng nasa $60,000 hanggang $100,000 kada buwan para mas mabilis na makita ang mga post na pwedeng makaapekto sa galaw ng market. Paano Gumagana ang Truth API Pinag-usapan ang Truth API simula pa noong August. Nag-launch ito para bigyan ng machine-readable access ang mga subscribers sa posts ng Truth Social accounts na may pinakamaraming followers, kasama na syempre ang account ni Trump mismo. Dahil may nasa 10 na subscribers na agad at ang bayad ay $60,000 hanggang $100,000 kada buwan, umaabot agad ng higit $1 million ang kita nila bawat buwan. Si Interim CEO Kevin McGurn ang nagbunyag tungkol sa price range na yan sa kauna-unahang earnings call ng Trump Media. Tawag nga niya dito, “the early innings” o umpisa pa lang daw talaga. Trump: The Ultimate Market Indicator Among all market indicators, Trump remains one of the best. Last year in early April 2025 (around April 9), while markets were









