Tapos Na Ba Ang Bagsak ng Bitcoin? 2 Analyst Naniniwalang Nasa Ilalim Na—Magkaibang Chart pa Ginamit
Dalawang independent na analyst ang nagsabi na mukhang nasa bottom na ang Bitcoin (BTC), at hindi nila ginamit ang data ng isat isa. Si Charles Edwards nagmo-monitor ng stablecoin liquidity, habang si Root naman ay tumitingin sa cycle structure. Magkalapit dumating ang predictions ng dalawa, mga unang araw ng September. Pero, hindi sila nagsabi na sure-ball na magbu-bull run. Ang punto ng dalawa, wala na yung mga kondisyon ng bear market na dati natin nakikita. Umabot sa Bullish Level ang Caprioles Hedge Ratio Si Edwards na founder ng Capriole Investments, nag-post ng signal niya noong September 4. Ang Market Hedge Ratio niya sinusukat yung USDT/BTC market cap ratio within 30 days. Bumagsak ang reading sa -20.42%, halos tinamaan yung -20.78% threshold na kita sa chart niya. Kapag bumababa ang ratio, ibig sabihin yung pera lumilipat na galing sa stablecoins papuntang Bitcoin. Lingguhang chart ng Capriole Market Hedge Ratio na nagpapakita ng Bitcoin bottom signal Source: Capriole Base sa chart niya, mga siyam na signals ang lumabas simula January 2020. Karamihan sa mga ito, sinundan ng mga rally, pero yung isa noong October 2021 medyo malapit na sa cycle top. “Mahirap talaga na may bumagsak na nangyyayari sa Bitcoin kapag ganito ka-green ang Caprioles Market Hedge Ratio. Sa









