Paano Nabulilyaso ang $424M Oil Deal ng Poland sa Venezuela Dahil sa USDT Payment
Noong January 5, 2024, isang lalaki ang nagpunta sa Hotel El Avila sa Caracas, Venezuela dala ang isang USB stick. Nasa loob nito ang nasa $60 milyon na Tether (USDT). Galing ang pera sa state-controlled oil refiner ng Poland — pero hindi dumating ang binayarang oil. Ayon sa Financial Times, nalugi ang state refiner ng Poland na Orlen nang halos $424 milyon, kaya ngayon tatlo sa dating mga manager nila ang nahaharap na sa criminal charges. Deal na Pinag-usapan sa Yacht Nagsimula ito sa Abu Dhabi noong November 2023, kasabay ng Formula 1 weekend. Nag-meet sa isang yacht ang boss ng Orlen Trading Switzerland at isang 25-year-old na trader mula Hong Kong. Noong November 29, pumirma sila. Bibilhin ng Swiss unit ng Orlen ang 6 million barrels ng Merey 16, isang murang heavy crude oil ng Venezuela, para sa $345 milyon. Hindi pa umaabot ng limang araw, nag-transfer agad sila ng $230 milyon. Walang collateral. Walang bank guarantee. Naging Token ang Pera Dahil sa US sanctions, hindi na maka-transact sa dollar banking system ang state oil company ng Venezuela na PDVSA. Kaya ginawa nilang USDT, isang digital token na naka-peg sa US dollar, ang pera, tapos pinaikot sa mga broker sa Dubai. Mahigit $132 milyon na USDT ang









