Phemex CEO: Bakit Mas Bagay Kung Gaya ng Trading Infra Gumagana ang mga Crypto Card
Ayon sa Artemis Analytics, grabe ang paglaki ng transaction volume gamit ang crypto cards — mula nasa $100 million kada buwan nuong early 2023, tumaas ito ng higit $1.5 billion pagdating ng late 2025. Sa halos buong panahon na yan, ang kompetisyon ng mga crypto card ay umiikot lang sa perks, cashback tiers, at mga lifestyle reward. Pero kakaiba ang diskarte ng Phemex ngayon dahil sa pag-launch nila ng bagong Phemex Card. Imbes na puro perks para sa consumer, binuo ang card na ito para masulit ang capital at ma-match sa ugali ng mga trader. Pinag-aralan talaga ng Phemex ang mga existing na crypto cards tapos nagdagdag sila ng bagong concept: pwede mo nang idikit ang daily gastos mo sa trading activity at sa pangmatagalang capital management. “Imbes na isipin kung paano magiging mas exciting ang paggastos, tinanong namin kung paano magiging mas madali at mabilis ang paglipat ng pondo mula market allocation papunta sa totoong gastos sa real world,” sabi ni Federico Variola, CEO ng Phemex. Kinausap ng BeInCrypto si Variola para malaman kung bakit lumayo sila sa karaniwang rewards setup, at anong ibig sabihin nito sa magiging direction ng crypto finance infrastructure. Paglago ng gastos gamit ang crypto card as of July









