4 Tips Para Protektahan ang Coins mo Laban sa AI Security Risks, ayon sa Ethereum Researcher
Ibinahagi ni Ethereum researcher Justin Drake nitong Wednesday kung paano mo mapo-protektahan ang crypto mo kung sakaling magawan ng AI ng paraan ang security ng wallet. Ang pinaka-mainam umano: ilipat mo kaagad ang pera mo sa fresh na address na never pang ginamit para magpadala ng kahit anong transaction. Hindi mo kailangan ng bagong software o wallet para magawa to. Pero sinabi ni Drake na posible itong maging problema sa loob ng ilang buwan sa pinakamasamang scenario, at nagbabala rin siya na kung magmamadali at sabay-sabay ang mga tao lilipat, baka mas marami pang masunog. Paano Mo Mapo-Protektaan ang Crypto Mo Ayon kay Drake Ayon kay Drake, may apat na steps — at mas okay mag-start ang mga malalaki at matagal na sa crypto.Ilipat ang karamihan ng funds sa address na never pa nagamit. Ang address na never pa nag-send ng coins, hindi napapakita ang private key ng may-ari sa kahit kanino.Palitan mo lagi ang address tuwing gagastos ka. Kapag gumastos ka o nag-send, ilipat mo ang natira mong coins sa bago ring address. Puwede naman manggaling ito sa same na seed phrase — yung word list na ginagamit para mag-restore ng wallet kung mawala.Wag mag-panic o magmadali. Sabi ni Drake, simpleng preventive move lang daw









