Magkakaroon ng bagong tokens sa crypto market na aabot ng mahigit $548.4 million sa third week ng November 2026. Malalaking proyekto gaya ng Cronos (CRO), LayerZero (ZRO), at Arbitrum (ARB) ang magre-release ng malaking bilang ng tokens sa market.
Pwedeng magdulot ng matinding volatility ang mga pag-unlock na ito at makaapekto sa short-term na galaw ng presyo. Eto ang mga detalye na dapat mo bantayan.
1. Cronos (CRO)
- Date ng Unlock:November 16
- Bilang ng Tokens na I-u-unlock:1.17 billion CRO
- Released Supply:51.13 billion CRO
- Total Supply:100 billion CRO
Ang Cronos ay isa sa mga Layer-1 blockchain ecosystem na kasabay dinevelop ng Crypto.com. Dalawa ang chain nila: Cronos EVM (EVM-compatible) at Cronos POS (Cosmos SDK-based). Ang CRO ang native token ng network na ginagamit pambayad ng transaction fees at para sa staking.
Sa November 16, mag-u-unlock ang Cronos ng 1.17 billion CRO na tinatayang nasa $50.96 million ang value. Mga 2.3% ito ng released supply ngayon.

CRO Crypto Token Unlock ngayong November. Source: Tokenomist
Mabupunta lahat ng release na ito sa isang allocation lang — ang Cronos Strategic Reserve.
2. LayerZero (ZRO)
- Date ng Unlock:November 20
- Bilang ng Tokens na I-u-unlock:23.28 million ZRO
- Released Supply:630.73 million ZRO
- Total Supply:1 billion ZRO
Ang LayerZero ay isang interoperability protocol na dinisenyo para mag-connect ng iba‘t ibang blockchain. Layunin nito gawing seamless ang komunikasyon sa pagitan ng mga blockchain, kaya pwede makipag-interact ang decentralized apps (dApps) sa iba’t ibang blockchain nang hindi na kailangan ng mga lumang bridge solutions.
Mag-u-unlock ang team ng 23.28 million tokens sa November 20, na 3.69% ng released supply. Ang supply na ito ay worth halos $32.6 million.

ZRO Crypto Token Unlock ngayong November. Source: Tokenomist
Magkakaroon ng 10.99 million na altcoins para sa mga strategic partner. Mapupunta naman ang 10.63 million ZRO sa core contributors ng team. At yung 1.67 million ZRO, para ito sa mga tokens na ni-repurchase ng team.
3. Arbitrum (ARB)
- Date ng Unlock:November 16
- Bilang ng Tokens na I-u-unlock:92.65 million ARB
- Released Supply:6.06 billion ARB
- Total Supply:10 billion ARB
Arbitrum ay isang Layer-2 scaling solution para sa Ethereum (ETH). Mas pinapabilis nito ang transactions at binababaan ang fees, pero nati-tiyak pa rin ang security ng Ethereum network.
Nakakagawa ito gamit ang tinatawag na ‘optimistic rollups’, kung saan off-chain na pinoproseso ang transactions bago ipadala sa Ethereum mainnet para ma-validate.
Sa November 16, mag-u-unlock ang Arbitrum ng 92.65 million tokens sa market. Ang tokens na ito ay may value na $12.49 million at nagre-represent ng 1.53% ng released supply.

ARB Crypto Token Unlock ngayong November. Source: Tokenomist
Mabibigyan ng 56.13 million ARB mula sa unlocked supply ang team, future team, at mga advisor. Bukod dito, may 36.52 million tokens naman na mapupunta sa mga investors.
Maliban sa tatlo na to, may bagong supply din na papasok sa merkado ngayong linggo mula sa Kaito (KAITO), ZKsync (ZK), at Bedrock (BR). Nilagyan ng Tokenomist ng “pending verification” status ang unlocks ng Cronos, LayerZero, at Arbitrum, kaya projection pa lang ang mga bilang na ito.

