Bagsak ang Microsoft Stock sa Pinakamababang Seven Weeks—Lalalim Pa Kaya ang Dip?

abstrak:Bumagsak sa 2-month low ang Microsoft stock dahil sa rate-hike bets, Anthropic rival, at outages. Alamin ang key support levels ng MSFT.

Bagsak ang presyo ng Microsoft (MSFT) shares hanggang $496.51 ngayong Martes, pinakamababa mula noong September 24. Nadadala na rin si Microsoft ng lumalaking pagdududa ng Wall Street tungkol sa AI boom kahit isa siya sa mga pinaka-bigatin sa larangan ng AI.

Nagsimula ang pagbaba nang magbukas ang Ignite conference ng Microsoft. Nag-launch sila ng mga bagong Copilot tools, pero mas marami na sa investors ang nagtataka kung gaano kalaki ang presyo ng expansion na to sa AI.

Bakit Bumabagsak ang Price ng Microsoft Stock?

Lumalakas lalo ang pressure dahil mataas ang interest rates. Yung 10-year US Treasury yield nananatili pa ring nasa ibabaw ng 5%, at inaasahan ng traders na magkakaroon pa ng Federal Reserve rate hike sa December. Kaya naman mas mahirap ipaliwanag kung bakit dapat mag-invest sa mga mamahaling tech stocks ngayon.

Pati yung mga numero mismo ng Microsoft nakakapagpataas ng tanong. Tumaas ng 48% ang revenue ng Azure noong nakaraang quarter, pero lumobo naman sa $45.2 billion ang capital spending nila at bumagsak nang 27% ang free cash flow.

Gusto ng investors na makita ng malinaw na magdadala talaga ng mas malaking kita sa future ang mga bagong data centers na pinapagawa nila ngayon.

Pati competition, humahabol na rin. May bagong Claude Sheets mula sa Anthropic na gustong talunin ang Excel, habang naghahanda ang AI startup na to para sa malaking IPO. Investor at cloud supplier din ng Anthropic si Microsoft, kaya parehas silang naapektuhan ng labanan.

Noong nakaraang linggo, nagka-global outage ang Microsoft 365 na nakaapekto sa Outlook, Teams, at Copilot – dagdag pagkakataon na mabawasan ang tiwala ng users sa stability ng mga serbisyo nila.

Microsoft ( $MSFT ) added 67% more revenue since FY22. With just 1% more people.

The AI layoffs aren't coming…they already happened, quietly, as hires that never got made pic.twitter.com/MBFO8Js9We

— Rand Group (@randgroup) November 16, 2026

Microsoft Stock Price Prediction: Ano Kaya ang Mangyayari Sunod?

Sumara sa ilalim ng $509.60 ang shares, na dating resistance level. Malapit sa 40 ang daily RSI, ibig sabihin, humihina ang momentum, pero hindi pa oversold ang stock.

May tatlong level na dapat bantayan ng investors:

  • $509.60:Kapag binalikan ng presyo ang level na to, posibleng umpisa na ng stabilization.
  • $478.95:Ito na ang susunod na malaking support kung bababa pa lalo sa ilalim ng $496.51.
  • 454–465:Mas malalim na support area malapit sa 200-day moving average.

Sa short term, bearish pa rin ang outlook hanggat nasa ilalim ng $509.60 nagte-trade ang Microsoft. Kapag nabasag pa ang $496.51, lalong tataas ang chance na dumiretso pa ito ng $479 pababa.

Ang mga pinaka-sariwang Copilot adoption numbers at cash flow results ang magdidikta kung babalik ba ang mga buyers dito.

MSFT daily chart. Source: TradingView

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Bakit Bagsak ang Stock ng Circle (CRCL) Kahit may USDC Plan ang World Bank

Susunod

Lumabas sa Fed Minutes na Mas Malaking Rate Hike Sana, Pero Inunahan ng Uminit na Inflation