MANTRA Bagsak Sa All-Time Low Habang Nagra-rally ang Ibang Coins

abstrak:MANTRA fell to an all-time low of $0.0041 after the project froze its blockchain and revealed that an attacker had tried to exploit a vulnerability in a third-party upstream dependency, not its own code. Trading around $0.0044, the token was down 8.5% even as the broader crypto market rallied, with Bitcoin surpassing $75,000 and about $1.06 billion in short liquidations. The chain remains halted, with validators offline until a fully verified patch is ready and the entire validator set can restart together. The team is tracing stolen funds, contacting exchange partners, and warning holders to ignore any offers of "recovery help." This is the network's second major crisis in 16 months, following a roughly 90% crash in April 2025 and a subsequent 1:4 token split.

Umabot sa all-time low na $0.0041 ang MANTRA (MANTRA) matapos i-freeze ng project ang kanilang blockchain at i-announce na may attacker na nagtangkang mag-exploit ng butas sa isa sa mga third-party na ginagamit nila.

Nangyari ang matinding bagsak na ito habang ang buong crypto market ay umaakyat, bitbit ng rally na nagsimula pa noong Wednesday.

Bakit Napa-hinto ang Chain ng MANTRA

Kanina, napahinto ang MANTRA Chain, isang Layer 1 blockchain na ginawa para sa tokenizing ng real-world assets. Sa unang notice nila, sinabi nilang frozen lahat ng endpoints at transactions.

I-follow kami sa X para sa mga pinakabagong balita

We're aware of an incident affecting MANTRA Chain and have halted the chain as a precaution while we investigate. All endpoints and transactions are currently frozen.

This means deposits and withdrawals to/from MANTRA Chain are temporarily affected. If you're unsure how this…

— MANTRA | The EVM L1 for RWAs (@MANTRA_Chain) August 21, 2026

Sa sumunod na update, tinukoy na nila ang dahilan. Sinabi ng team na may attacker na nag-exploit ng butas sa upstream dependency nila — ibig sabihin, galing ito sa third-party code na ginagamit ng blockchain imbes na sa sariling code nila.

“Kanina, na-detect namin na may attacker na nag-exploit ng butas sa upstream dependency na ginagamit ng chain kaya pinahinto muna namin ang network bilang pag-iingat,” ayon sa update ng MANTRA.

Sabi ng MANTRA, na-trace na nila ang butas at ngayon, naghahanda na sila ng patch. Offline pa rin lahat ng validators at infrastructure nila hanggang makompleto at maayos ang upgrade.

“Bago ulit tumakbo ang network, kailangan sabay-sabay mag-restart ang buong validator set — hindi namin ito ibabalik hanggat hindi fully verified ang patch at malinaw ang coordination,” dagdag nila.

Sinusubaybayan din ngayon ng team kung saan napunta ang mga funds at kinontak na ang mga partners sa exchanges. Naka-pause pa rin ang deposits at withdrawals sa mga apektadong platform at hindi pa tiyak ang lawak ng epekto. Nagbabala rin ang MANTRA team sa holders na huwag pansinin kung may mag-aalok ng “recovery help.”

MANTRA Hindi Nakasabay sa Market Rally

Ramdam ang epekto ng issue sa token mismo. Nasa $0.0044 ang trading price ng MANTRA ngayon — bagsak ng 8.5% ngayong araw.

Performance ng Presyo ng MANTRA Token. Source: BeInCrypto Markets

Bumagsak ang MANTRA kahit todo akyat ang mas malawak na market. Umabot sa lampas $75,000 ang Bitcoin (BTC) kanina, kasabay ng sunod-sunod na short liquidations na nag-total ng $1.06 billion. Nagtaasan din ang mga top crypto, kaya halos 4% ang nadagdag sa total crypto market capitalization sa nakalipas na araw.

Pangalawang major crisis na ito ng network sa loob ng 16 na buwan. Dati, OM pa ang token name, at napabagsak nito ng halos 90% ang value noong April 2025 — sunog ang nasa $5.5 billion na market value sa wala pang isang oras.

Nitong March, pinalitan na nila ang OM ticker. Sa block 13,000,000, nagsagawa sila ng non-dilutive 1:4 split — bawat OM naging apat na MANTRA. Nag-rally agad ang token at tumaas ng 37% sa launch day.

Mag-subscribe sa aming YouTube channel para sa expert crypto insights mula sa mga leader at journalists

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Bitcoin ETF, Nilagyan ng $606M, Pinakamalaking Inflow Mula May 1

Susunod

Solana Target Bawasan ng 50% ang Block Time—Pwedeng I-Livestream ang Update