12 Nasdaq Stocks ang Nagdoble sa 2026—Wala Diyan ang Magnificent Seven

abstrak:Dua belas saham Nasdaq 100 telah berlipat ganda nilainya pada 2026, dan tidak satu pun berasal dari Magnificent Seven. Pemimpinnya SanDisk dengan kenaikan 411%, disusul Micron, Intel, dan lainnya yang mayoritas produsen perangkat keras infrastruktur AI, bukan platform software. Sementara itu, Magnificent Seven tertinggal: Amazon naik 20%, Nvidia 14%, Apple 13%, Alphabet 12%, Microsoft 4%, Meta turun 10%, dan Tesla minus 27%. Menurut Ed Yardeni, kelompok saham di luar Magnificent Seven lebih kuat sejak November. Investor beralih ke pemasok semikonduktor dan memori, didorong kelangkaan pasokan dan permintaan server AI. Namun sebagian analis, seperti Lisa Shalett dari Morgan Stanley, menilai rally semikonduktor sudah terlalu cepat dan menyarankan diversifikasi kembali ke Magnificent Seven. Wall Street masih terpecah soal arah perdagangan AI ini.

Labindalawang stock sa Nasdaq 100 ang nag-double na ang value ngayong 2026, at wala ni isa sa kanila ang galing sa Magnificent Seven.

Iba-iba man ang focus ng bawat stock sa Magnificent 7, madalas pa rin silang pagtambalin dahil malalaking tech companies sila na malakas ang influence lalo na sa AI trend. Pero ngayong taon, hindi sila ang nanguna. Nangunguna si SanDisk, na tumaas ng 411% mula simula ng taon, tapos sumunod sina Micron at Intel na nag-double din.

Lahat ng 12 Nasdaq 100 Stocks na Nag-double

Halos lahat ng ibang pumasok sa listahang to ay mga kumpanyang gumagawa ng hardware para sa AI infrastructure, imbes na mga software platform.

  • Sandisk (SNDK) +406%
  • Micron (MU) +207%
  • Intel (INTC) +175%
  • Arm Holdings (ARM) +159%
  • Marvell Technology (MRVL) +157%
  • Western Digital (WDC) +152%
  • Lumentum (LITE) +142%
  • AMD (AMD) +126%
  • Nebius (NBIS) +125%
  • Applied Materials (AMAT) +110%
  • Fortinet (FTNT) +101%
  • Astera Labs (ALAB) +101%

Kahit malaki ang ibinaba ng presyo, top performer pa rin si SanDisk. Image Source: Trading ViewMagnificent Seven, Wala sa Listahan ng Top Performers

Iba-iba ang naging galaw ng Magnificent 7 stocks. Nanguna si Amazon na may 20% gain ngayong taon, sumunod si Nvidia na 14%, Apple 13%, at Alphabet 12%.

Nakuha lang ng Microsoft ang 4% na pag-angat. Si Meta naman bumagsak ng 10%, habang malaki ang binagsak ni Tesla na -27%, siya ang pinakamahinang performer. Yung S&P 500 naman, tumaas ng mga 13% din nitong panahon na to.

Ilang buwan nang mino-monitor ni Ed Yardeni, founder ng Yardeni Research, ang baliktad na performance ng grupo.

“Ang Impressive-493 ay mas malakas pa sa Magnificent-7 simula pa noong November.”

Ed Yardeni,

Ngayong taon, sina Nvidia at Amazon lang ang halos sumasabay sa market. Marami pa ring umaasa kay Nvidia lalo na sa kanilang AI chip business.

Dahil dito, limang stock sa Magnificent Seven ang nahuhuli sa market index. Naiiwan din sila ng mga semiconductor supplier na dati nilang natatabunan.

Bakit Ganito ang Nangyayari?

Maraming investors ang lumilipat mula sa Magnificent Seven papunta sa mga kumpanya na gumagawa ng actual AI infrastructure. Yung dating pumupunta lang sa mga malalaking tech company, ngayon sa semiconductor at memory suppliers na napupunta ang pera.

Mismong mga strategists sa Wall Street ang humila sa change na to. Lately, sina Morgan Stanley, Goldman Sachs, at JPMorgan nagsa-sabi na sobra na raw ang pagbaba ng Magnificent Seven stocks at dapat ng magbago ang galaw.

Ayon kay Lisa Shalett ng Morgan Stanley Wealth Management, sobra na raw ang bilis ng rally ng semiconductor stocks at “meaningfully overbought” na. Sabi niya, dapat daw magbalik ang mga investors sa diversified exposure sa Magnificent Seven, lalo na habang nananalo pa rin ang AI infrastructure sector.

Bakit Napunta sa Ibang Stocks ang AI Trade?

Halos lahat ng winners dito ay bentahan ng actual na hardware na kailangan ng AI. Sina Sandisk at Western Digital, halimbawa, gumagawa sila ng flash memory chips na pinapakyaw ng mga AI servers, smartphones, at pati hospital scanners.

Dahil sa shortage ng supply, pati mga small-time traders nadala na at todo-bili ng AI memory stocks kahit nagkaroon ng pag-ikot sa market nitong summer.

Divided ang Wall Street pagdating sa galawan dito. May disagreement pa nung July between JPMorgan at Morgan Stanley sa AI chip trade.

Pumabor naman si Jim Cramer dito. Para sa kanya, ang limang chip suppliers daw ang paboritong AI bet ng market ngayon kumpara sa Big Tech platforms.

Ang resulta, naiiwan talaga ang Magnificent Seven ngayong taon, at mas umaangat ang daan-daang mas maliliit na stocks sa S&P 500. Kung sisingkit pa ang gap na to, nakadepende na sa kung paano tatanggapin ng market ang next earnings ng AI hardware at AI capital spending.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Nanguna ang XRP at ether sa pagkalugi sa Crypto habang tinatarget ng mga negosyante ang susunod na $70,000 Bitcoin

Susunod

Ang BIP-110 fork ng Bitcoin ay 300 bloke ang nahuhuli sa BTC at anim na taon mula sa pag-aayos nito