Tinukoy ni Peter Brandt ang Altcoin na Ito Bilang Matinding “Long-Shot” Bet sa Mga Susunod na Taon

abstrak:Sinasabi ni Peter Brandt na long-shot bet ang Stellar (XLM) sa next few years base lang sa chart signals—lahat ng dapat mong malaman.

Sinasabi ng veteran trader na si Peter Brandt na “long-shot bet” ang Stellar (XLM) na dapat tutukan sa mga susunod na taon, base sa mga nakikita niya sa chart — hindi dahil sa hype o paniniwala lang.

Nabanggit niya ito habang unti-unting tumataas ang momentum ng XLM dahil sa mga bagong technical pattern at totoong institutional adoption.

Ano ang Sabi ni Peter Brandt Tungkol sa XLM?

Ang “long-shot bet” ay yung tipo ng trade na medyo malabo ang panalo pero kung mananalo, pwedeng malaki ang kita. Si Brandt, na kilalang “Market Wizard,” ay nag-share ng opinion na ito sa 1.3 million followers niya sa X. Sabi niya, magandang tignan ang Stellar para sa ganitong uri ng trade.

“Hindi ko naman kailangang intindihin ng todo ang isang asset para i-trade ito. Para sa akin, price lang importante,” sabi ni Brandt sa X.

If you want to bet on a long shot (next few years), stellar:native is a good pick pic.twitter.com/g5VmqMnInp

— The Factor Report (@PeterLBrandt) September 28, 2026

Sinamahan niya ito ng chart analysis, hindi ng matinding prediction. Kilala si Brandt sa dekada-dekadang karanasan niya sa technical analysis ng ibat ibang assets. Sa ngayon, nasa $0.2309 ang trading price ng XLM base sa data ng BeInCrypto.

Tumaas na ng halos 11% ang token sa loob ng 24 oras. Kung titignan ang nakaraang buwan, umakyat na ng mga nasa 28%, mula sa mga previous lows nito.

May ibang chartists na kapareho ang nababasa sa trend. Halimbawa, nag-post si Dark Defender ng bagong chart noong September 28. Tulad ng unang analysis niya noong kalagitnaan ng September, sinasabi niyang meron pang upside o potential na tumaas pa ang XLM.

#XLM

11 September analysis is below.

You can guess what is next ????

⁽ⁿᵒᵗ ᶠⁱⁿᵃⁿᶜⁱᵃˡ ᵃᵈᵛⁱᶜᵉ ᵇᵘᵗ ʲᵘˢᵗ ᵐʸ ᵗʰᵒᵘᵍʰᵗˢ ᵒⁿˡʸ⁾ pic.twitter.com/oPktccbLDs

— Dark Defender (@DefendDark) September 28, 2026

Bakit Lumalakas ang Real-World Adoption ng Stellar?

Kamakailang balita sa infrastructure ng Stellar yung isa sa mga nagpapainit ng interes dito. Noong September 22, in-integrate ng Mastercard-owned BVNK ang Stellar network sa stablecoin payments platform nila. Dahil dito, nagkakaroon ng single-API access ang mga kumpanya para gamitin ang mabilis at mababang fee na rails ng Stellar.

Ngayon, covered na ng Stellar rails ang higit sa 130 markets worldwide. Suportado nito ang mga cross-border payments, remittance, at treasury transfers ng malalaking institution. Ilang araw lang ang lumipas, nag-launch din ang Spectra Finance ng fixed-term markets para sa tokenized Janus Henderson treasury product sa Stellar network.

Sa update na ito, pwede nang mag-trade ng hiwalay ang principal at yield tokens. Parang mas marami nang option ngayon para sa fixed-income na real-world assets sa Stellar. Dagdag pa dito, mas pinapalalim nito ang focus ng Stellar sa payments at tokenization ecosystem.

Performance ng presyo ng Stellar (XLM). Pinagmulan: BeInCrypto

Ngayon, mas tinutukan na ng Stellar ang pagiging infrastructure para sa mga institution at hindi lang basta pang-retail na trading. Nilinaw ni Brandt na speculative play pa rin ang XLM, at hindi siguradong “sure win.” Nakasalalay pa rin kung patuloy itong gagamitin ng institutions at sa galaw ng crypto market sa kabuuan.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Coinbase Nagpa-teaser ng Bago—Walang Kinalaman sa Crypto o Meron Nga Ba?

Susunod

Quant (QNT) Whales Nagising Matapos ang 3 Taon, Naglipatan Papunta sa mga Exchange