Magkakaroon na ng bagong paraan ang mga XRP investor para mag-invest sa token gamit ang stock market.
Matapos na pagsamahin ng Evernorth Holdings ang Armada Acquisition Corp, magsisimula nang i-trade ang shares nito sa Nasdaq sa Lunes, October 12, gamit ang ticker XRPN.
Sa madaling salita, ang Evernorth ay isang kumpanyang may malaking hawak na XRP. Pwede kang bumili ng shares nito sa brokerage account mo — hindi mo na kailangan bumili o mag-store ng crypto mismo.
Kaya ang pag-aari mo ay shares ng Evernorth, hindi yung XRP token mismo.
Limang Importanteng Bagay Tungkol sa Pag-lista ng Evernorth sa Nasdaq
1. Start ng trading sa Lunes.Na-delay ang original na October 8 launch
dahil sa administrative issue. Ine-expect ng Evernorth na mag-ring ng Nasdaq closing bell sa October 14.
2. May hawak itong 473 million XRP sa treasury.Bukod dito, nagreport sila ng nasa $300 million na gross cash proceeds (bago kaltas mga transaction expense), kaya sila ngayon ang pinakamalaking public company na pure-play XRP treasury.

Hawak ng Evernorth ang malaking bilang ng XRP. Source: CoinGecko
3. Suportado ito ng Ripple.Kabilang sa mga backers ay ang SBI Group, Arrington Capital, Pantera Capital, Kraken, at GSR. May mga investors din na nag-contribute ng XRP mismo.
4. Gagamiting productive ang hawak nilang XRP.Sinabi ng CEO na si Asheesh Birla na goal ng Evernorth na “palakihin ang XRP per share habang tumatagal.” Kasama sa plano nila ang mag-earn ng yield at mag-invest sa infrastructure na makakatulong sa XRP ecosystem.
5. XRPN ay stock, hindi XRP.Magrereflect ang presyo ng share sa value ng mga hawak nila, dagdag pa ang business expenses at tiwala ng investors sa management. Puwede itong gumalaw nang iba kumpara sa mismong token.
1/4 Public markets, meet the XRP Ledger. Evernorth has completed its business combination with Armada Acquisition Corp. II. On Monday, our common stock is expected to begin trading on Nasdaq under the ticker $XRPN.
Not investment advice or an offer of securities. Contains… pic.twitter.com/eGcxtA4AxT
— evernorthxrp (@evernorthxrp) October 9, 2026
Ano ang Pwedeng Ibig Sabihin Nito para sa Presyo ng XRP?
Baka dumami ang magpansin sa XRP ngayong malilista na, lalo na matapos itong bumaba mula sa halos $1.50 noong October 5 papuntang $1.40 by October 11.
Pero hindi kailangan ng matitinding bagong token purchases para lang sa pag-debut ng stock. Karamihan ng XRP ng Evernorth ay nakuha na nila bago nagsimula ang trading.
Para magkaroon ng mas matagal na XRP price recovery, kailangan pa rin ng bagong token buying, mas mataas na demand, o mas positibong market mood sa crypto.
Mas magandang abangan ng mga trader kung ano talaga ang mga bibilhin ng Evernorth sa susunod na mga linggo, imbes na isipin agad na kung malakas ang simula ng XRPN eh automatic na tataas din ang XRP.

