Bagong Ethereum Upgrade, Pwedeng Baguhin ang Galawan at Fees sa Crypto

abstrak:Ang bagong Ethereum upgrade, apps na puwedeng magbayad ng gas, bundled na 64 actions, smart accounts imbes seed phrase, plus post-quantum security.

In-update ni Vitalik Buterin ang Ethereum Improvement Proposal (EIP) 8141 nitong Linggo. Papunta na ito sa Hegotá, ang next na Ethereum upgrade, at babaguhin nito kung paano nag-sign, nagba-batch, at nagbabayad ang mga wallet.

Tetestingin dito kung kayang mag-run ng privacy tools mismo sa Ethereum at hindi lang basta nakadikit sa paligid ng network.

Ethereum Upgrade: Puwedeng Gawin ang 64 Steps sa Isang Transaction

Sa ngayon, isang action lang ang pwedeng gawin ng bawat Ethereum transaction — halimbawa, mag-send ng pera o mag-approve ng token, at yun na yun.

Babaguhin ito ng frame transactions. Sa bagong update, puwedeng magdala ng hanggang 64 na sunod-sunod na actions ang isang transaction. Pero kapag pumalpak ang kahit isang step, buo agad na babagsak ang buong batch.

Dahil dito, nababawasan ang mga aberya na dati, na-a-approve nga ang token pero hindi natutuloy ang swap sa likod nun.

Ngayon, isang click na lang ang pag-approve ng token at pag-swap, imbis na two steps. Pwede na ring maging isang confirmation lang ang buong onboarding process ng wallet. Noong March pa na-share ni Buterin ang idea na ito bilang parte ng mas malaking planong i-upgrade ang Ethereum wallets.

Mga pagbabago sa Ethereum upgrade base sa proposal ni Vitalik Buterin EIP-8141, next Ethereum upgrade. Source: BeInCryptoTatlong Bagong Update na Talagang Mapapansin ng mga User

Unang update — tungkol ito sa seed phrases. Dati, kapag nawala ang 12-word backup mo, goodbye na agad sa laman ng wallet. Pero sa EIP-8141, puwede nang mahiwalay ang account sa original key nito.

Kaya puwede nang magpalit ng key ang wallet o mag-recover gamit ang ibang device o trusted contact. Andoon pa rin ang private key, pero hindi mo na kailangang isulat pa ito sa papel at dalhin kung saan-saan.

Pangalawa, tungkol naman sa gas fees. Dahil sa paymasters, puwedeng bayaran ng isang app ang transaction fee mo — kaya kahit mga baguhan, puwede na agad gumamit ng app kahit wala pang ETH. Sagot na yan ng app bilang parte ng marketing nila.

Pangatlo, para sa signatures. I-dadagdag sa update ang P256, yung system na ginagamit sa passkeys at security chips ng phone. Sabi ng mga gumawa ng draft, isa itong hakbang papunta sa post-quantum cryptography (mas advanced na security), at hindi pa ito ang mismong quantum fix. Na-explain na rin ni Buterin ang concept na ito sa kanyang lean Ethereum roadmap noon July.

One positive consequence of all the recent detailed thinking about transaction formats – not just 8141, also “future of state” discussions eg. UTXOs, PBT, keyed nonces, and also recursive STARK mempool – is that we have a much more explicit understanding of how transactions have…

— vitalik.eth (@VitalikButerin) September 5, 2026

Lahat ng ito, para mas bumilis at lumaki pa ang Ethereum. Gusto ni Buterin na maging parang Bitcoinesque ang Ethereum — kung saan basic, predictable ang mga transactions at sobrang baba ng gas fees.

Nagte-trade ang Ethereum (ETH) malapit sa $2,512 nitong Linggo, nasa 49% na ang itinaas nito sa loob ng 90 days.

Wala pang final na date kung kailan ito ia-activate ng mga dev team, pero sa ngayon, yung Glamsterdam gas limit push muna ang uunahin ngayong Q4 2026.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Bumagsak Na Naman ang Crypto Law ng Poland, Sila na Lang Walang Batas sa Buong Europe

Susunod

Nagbayad si Kalshi ng $18.6M sa Mali ang Nanalo Bago Maka-comeback ang Michigan