Tom Lee Nilatag ang Killer App ng Ethereum—ETH Lumalaban Kahit Bagsak ang Market

abstrak:Sabi ni Tom Lee, nagiging main application ng Ethereum ang pagiging settlement rail ng Wall Street at AI.

Sabi ni Fundstrat co-founder Tom Lee na nagiging settlement layer na raw ang Ethereum (ETH) para sa Wall Street at artificial intelligence (AI). Pinanindigan niya ulit ang statement na yon ngayong mas stable ang ETH kumpara sa mga top cryptocurrencies ngayong linggo.

Si Lee, na chairman din ng BitMine Immersion Technologies (BMNR), nag-share ng comment sa sagot niya sa X. May trader na nagtanong kung bakit out-performer ang Ethereum kumpara sa iba pang top ten coin kahit bagsak ang malawakang crypto market.

Ang Wall Street at AI Thesis

Diretsahan siyang tinanong kung bakit hindi nagpapakabog ang Ethereum, at sinabi niya na may bagong role na bilang “financial plumbing” ng digital finance.

“$ETH ang magiging settlement rails ng Wall Street at AI.”

— Tom Lee, sa kanyang reply sa X

$ETH is the future settlement rails for Wall Street and AI https://t.co/8E35jluddq

— Thomas (Tom) Lee (not drummer) FundstratDirect.com (@fundstrat) September 11, 2026

Halos kapareho rin ito ng mga argument na sinabi ni Lee sa kanyang crypto bullish outlook para sa susunod na 12 months. Ikinokonekta niya ang Ethereum sa dalawang bagay: yung ginagawa ng Wall Street ngayon na tokenization ng traditional assets, at pagtaas ng agentic AI—mga AI na kayang mag-transact mag-isa kahit walang human intervention.

Sinabi rin ni Lee na yung nangyaring breakout ng ETH/BTC ratio ay nagpapakita na ina-adapt na ng market ang pagbabago. Sumabay din ang BitMine sa thesis na yan sa pamamagitan ng pagbili at nag-push na magkaroon ng 5% na ether stake. Pero sa ngayon, talo pa sila base sa capital nila.

Hindi pa malinaw kung nagsisimula nang magkatotoo yung thesis ni Lee, o saglit lang na positioning ito ng market. Baka mas makita natin ang sagot dito kung magtutuloy-tuloy ang lakas ng ETH kahit bumabagsak ang ibang coins.

Matatag ang Ether Kahit Natatalo ang Iba

Kabilang ang Ether sa kakaunting top-ten crypto na nag-trade pa rin ng mas mataas sa nakaraang pitong araw. Ang Tron (TRX) lang ang iba pang tumaas (maliban sa mga stablecoin). Bumaba ang presyo ng Bitcoin (BTC), BNB, XRP, Solana (SOL), Zcash (ZEC), at Hyperliquid (HYPE) nitong linggo at karamihan dito, lampas 3% ang ibinagsak.

Nasa $2,518 ang presyo ng Ether nitong Lunes, bahagyang down ng nasa 0.1% sa loob ng 24 oras. Samantala, ang Bitcoin ay nasa $77,100, na bagsak ng mahigit 1.5% ngayong araw.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

3 Token Unlock na Dapat Abangan sa Ikatlong Linggo ng September 2026