Bumaba ng 12.63% ang stock ng SanDisk (SNDK) nitong Lunes, July 13, at lalo pang bumagsak after trading hours dahil sa matinding selloff na umabot sa buong memory at chip stocks.Kahit ganito, marami pa ring Wall Street analyst ang nagtaas o nag-confirm ng price targets nila sa kumpanyang ito sa kabila ng matinding pagbagsak ng presyo.
Ipinapakita ng galaw na ito na kumpiyansa pa rin ang mga analyst sa earnings outlook ng SanDisk kahit medyo magulo lately ang market ng memory sector at naapektuhan din ang buong grupo nitong mga nakaraang linggo.
Analyst Pinanindigan pa rin ang Bullish Sentiment Kahit Bagsak ang Presyo
Inulit ng Citigroup ang $2,500 price target nila sa SanDisk, ayon kay senior analyst Asiya Merchant. Naglabas siya ng bullish note at niretain ang buy rating nila sa SNDK. Ibig sabihin, pwede pang tumaas ng nasa 30% ang presyo kumpara sa last close.
Kahit tumaas na ng halos 600% Year-To-Date (YTD), naging sobrang volatile ng SanDisk nitong nagdaang buwan. Image Source: Trading View
Mas matindi pa ang ginawa ni Evercore ISI analyst Amit Daryanani at itinaas ang target price niya sa $3,100 mula sa $1,400 at tinuloy niya ang “Outperform” rating. Kapag umabot roon, halos 62% pa ang potensyal na upside mula last close. Para kay Daryanani, hindi pa talaga nabibigyan ng value ng mga investor ang kakayahan ng SanDisk na kumita at mapanatili ang presyuhan nila hanggang 2027.
Tinaasan din ni Bernstein analyst Mark Newman ang target price niya sa $3,000 mula $1,700. Ang rason niya: may mga malalaking pagbabago na sa kung paano na ngayon gumagawa ng long-term supply agreement ang mga memory suppliers.
Sinabi rin ng Wedbush analyst na si Matthew Bryson sa MarketWatch na nasa “sobrang okay na lagay” pa rin ang memory market. Ayon sa kanya, parehong nakikinabang ang Micron (MU) at SanDisk sa AI-driven demand na hirap tapatan ng ibang chipmakers ngayon, kasi years bago makapagtayo ng bagong fabs.
Matindi pa rin ang Bullish Sentiment ng Mga Retail Investor
Ayon sa Stocktwits, sobrang bullish pa rin ang sentiment ng mga retail investor sa SNDK at madami pa rin ang usapan tungkol dito. Sa isang poll, halos 1,800 ang sumali at 57% ng boto ay kay Micron bilang best returns. Nasa 19% naman si SanDisk, na nagpapakita pa rin ng malakas na interest ng mga tao sa memory stocks kahit may pullback sa market.
Ipinapakita rin ng data na 18 sa 22 analyst na nagcocover sa SanDisk ay naka-rate pa rin ng “Buy” o “Strong Buy”, at ang average na target price ay $2,112.32. Halos 600% pa rin ang itinaas ng shares nito so far this year at dahil dito, lumalakas ulit ang pagdududa na may AI bubble na nangyayari sa sector na to.
Sa next earnings cycle malalaman kung kakayanin ng SanDisk na mag-grow para maabot ang targets sa ibabaw ng $3,000.


